7,626 total views
Pagbabalik bayan ni Veloso, ikinatuwa ng CBCP-ECMI
Ikinagalak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commision on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) na makakauwi na ng Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang Overseas Filipino Worker na nahatulan ng kamatayan noong 2010 sa Indonesia dahil sa kaso ng Drug Trafficking.
Ayon kay CBCP-ECMI Vice-chairman Antipolo Bishop Ruperto Santos, tunay na nakakagalak ang desisyon ng Indonesia at ni Indonesian President Prabowo Subianto na pauwiin ng Pilipinas si Veloso matapos ang 14-taong pagkakakulong.
“Today, we celebrate a moment of immense joy and relief as President Ferdinand Marcos
Jr. has confirmed that after 14 long years of imprisonment, Mary Jane Veloso will finally be transferred back home to the Philippines. This news brings hope and happiness to her family and all those who have tirelessly advocated for her release,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Pagpapakita din ito ayon pa sa Obispo ng kapangyarihan ng pananampalataya at pananalig ng sambayanang Pilipino upang mapanatiling ligtas si Veloso mula sa death row dahil sa drug trafficking.
Simbolo din ito na sa pamamagitan ng pagkakaisa at suporta ng sambayanan ay natutupad ang mga panalangin at himala, at upang iparating kay Veloso o sa kaniyang Pamilya na naiwang nangagnamba sa Pilipinas ang pakikiisa ng sambayanan at ng simbahan.
“Mary Jane’s journey is a testament to the answered prayers of many. It is where the power of faith, perseverance, and the unwavering support of a united community prevailed,” bahagi pa ng mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
November 20 ng ianunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na makakauwi na sa Pilipinas si Mary Jane Veloso matapos ang 14-taon pagkakakulong kung saan simula po noong 2010 idinaos ang mga pakikipag-ugnayan o dayalogo ng pamahalan ng Pilipinas sa Indonesia.
Ang desisyon ng Indonesia ay ilang araw lamang ang makalipas matapos ihayag ng pamahalaan na pinag-aaralan na ng Indonesiya ang posibilidad ng paglilipat kay Veloso sa mga kulungan ng Pilipinas.