Pagbangon at Teknolohiya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 802 total reads

Kapanalig, naipakita sa atin ng pandaigdigang health crisis ngayon na ang pinaka-resilient na bansa ay ang mga yaong mabilis na naka-sabay sa pagbabago ng ekonomiya.

Ang pandemic ay isang extreme event na nagdulot sa atin ng malawakang pagtigil ng transportayon at merkado. Bawas ang atingi mobility kapanalig, kaya’t ang teknolohiya ang ating naging saklay ngayong pandemya. Habang tumatagal, ating napagtatanto na ang teknolohiya ay mahalaga ng bahagi ng ating buhay, at magiging pangunahing instrument sa ating pagbangon mula sa mga extreme events gaya ng pandemya.

Kaya nga’t isang malaking blessing o biyaya na marami sa ating mga Filipino ang maalam sa Internet. Dahil dito , ang transisyon sa e-commerce ay naging mas madali. Sa katunayan, mas dumami ang ang mga online sellers at buyers – dati rati kasi para magbenta, kelangan pa problemahin ang pwesto at delivery. Dahil sa online platforms, mas madali ng magbenta kahit pa sa malalayong lugar. Ayon nga sa isang pag-aaral ng World Bank, ang share o bahagi ng digital economy sa ating gross domestic product ay lumago mula 7 percent noong 2012 tungo sa mahigit pa sa 10% noong 2018.



Kaya lamang, kahit mabilis ang paglago ng ating digital economy, ayon sa World Bank Digital Adoption Index (DAI), medyo nahuhuli pa rin tayo kumpara sa ilan sa mga ating karatig bansa.

Ayon sa pag-aaral ng World Bank, ang ating limitadong digital infrastructure ay nagdudulot ng digital divide  o ang hindi pantay na pag-access sa mga serbisyo mula sa internet. Umaabot ng 40%  ng ating populasyon noong 2018 ang walang access sa internet. Dama din ang mga pagkukulang hindi lamang sa access, kundi sa affordability o presyo pati na rin ang kalidad. Sa ngayon, bumilis man ang internet speed, hindi ito pantay sa lahat ng rehiyo, at hindi lahat ng lugar ay may internet coverage.

Pagdating sa presyo, hindi lamang presyo ng internet connection ang mahal. Mahal din kapanalig, ang mga laptop, computer, at smart phone na magagamit sana ng mas maraming Filipino upang maka-access sa internet.

Kapanalig, ang pagbangon natin mula sa pandemya ay mapapabilis kung ang ating mga digital infrastructure ay mas pro-poor – magagamit ng lahat sa mas murang halaga. Lalo ngayon panahon ng pandemya, ang internet ay hindi lamang source ng ating impormasyon, ito na rin ang ating instrumento upang maghanapbuhay. Kung piling tao lamang ang makaka-access nito, ang ating pagbangon ay hindi inklusibo. Iilan lamang ang makikinabang.

Ayon sa Evangelii Gaudium, may mga naniniwala pa rin na bababa pa rin sa laylayan ng lipunan ang paglago ng ekonomiya na mula sa malayang merkado. Kaya lamang, hindi ito makita sa ating realidad dahil hanggang ngayon, naghihintay pa rin ang mga maraming naibubukod sa ating lipunan dahil sa kahirapan. Kapanalig, hanggang kailan kaya maghihintay ang maralita sa biyaya ng bayan, gaya ng teknolohiya?

Sumainyo ang Katotohanan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 54,565 total reads

 54,565 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 105,713 total reads

 105,713 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 226,293 total reads

 226,293 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 276,650 total reads

 276,650 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 401,583 total reads

 401,583 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi krimen ang magprotesta

 105,714 total reads

 105,714 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 226,294 total reads

 226,294 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 276,651 total reads

 276,651 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »
Scroll to Top