Pagbasura ng Justice secretary sa rekomendasyon ng UNHRC, ikinatuwa ng SLP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,676 total reads

Ikinatuwa ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagbasura ng kontrobersiyal na Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa rekomendasyon ng UN Human Rights Council na pagsasabatas sa bansa ng mga panukalang labag sa pananampalatayang Kristiyano.

Ibinahagi ni Laiko National President Raymond Daniel Cruz, Jr. ang kagalakan sa pagsasantabi ng kalihim sa rekomendasyon ng U-N-H-R-C na isabatas ang abortion, same sex marriage, divorce bill, death bill at iba pang anti-family bills.

“Marami ang lubhang natuwa sa ginawang paninindigan ni DOJ Sec. Remulla at sa pagsasantabi ng mga rekomendasyon ng UN Human Rights Council na isabatas sa ating bansa ang mga panukalang batas na likas na labag sa ating pananampalatayang Kristiyano.” pahayag ni Cruz sa Radio Veritas.

Nanawagan naman si Cruz sa bawat laiko, relihiyoso at mga lingkod ng Simbahan na sama-samang ipanalangin ang mga mambabatas sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso na manindigan sa mga panukalang batas na magpapahina sa ‘moral fiber’ ng bansa.

“Panalangin natin na sana ay hindi rin ito payagang maipasa sa ating Senado dahil hindi ito makalulutas ng mga problema nang ating bayan, bagkus ay magpapahina pa sa “moral fiber” nang ating bansa. Hinihimok natin ang mga kapwa laiko at mga kaparian at relihiyoso na sabay-sabay nating itaas ang mga panalanging ito kay Kristong Hari na Mundo at sa mahal nating Inang Maria at amang si San Jose!” Dagdag pa ni Cruz.

Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na siyang implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity (CBCP-ECL) ay taunang nagdaraos ng gawaing tinaguriang Walk for Life bilang patuloy na paninindigan laban sa isinusulong na DEATH bills kabilang na ang Divorce, Euthanasia, Abortion, Total Reproductive Health, Homosexuality (Same Sex Marriage) at ang pagbabalik ng death penalty sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 988 total reads

 988 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 32,264 total reads

 32,264 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 112,161 total reads

 112,161 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 206,387 total reads

 206,387 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 266,848 total reads

 266,848 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 19,595 total reads

 19,595 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top