Pagbasura sa kasong perjury laban sa mga madre, ikinatuwa ng CMSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,465 total reads

Nagpahayag ng kagalakan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa pagbasura ng korte sa kasong perjury laban sa sampung human rights defenders na kinabibilangan ng ilang kasapi ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP).

Ayon kay Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm, executive secretary ng CMSP, nagpapasalamat ang buong organisasyon sa pagdinig ng Panginoon sa kanilang panalangin na pananaig ng katarungan makaraang ibasura ng Quezon City Metropolitan Trial Court ang kasong perjury na isinampa ni dating National Security Adviser Hermogenes Esperon laban sa sampung human rights defenders na kinabibilangan ng mga kasapi ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP), Karapatan at Gabriela.

“We welcome that really and we are so happy na na-dismiss yung case and acquitted po yung si Sister Elenita ‘Elen’ Belardo, RGS at mga kasamahan niya mga 9 other human rights defenders… CMSP is so happy that dininig ng Diyos ang panalangin na ang katarungan ay maghahari, yun so masaya kami for the result, the outcome of the case.” Pasasalamat ni Fr. Buenafe sa Radio Veritas.

Inihayag ng Pari na siya ring Chairperson ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) na ang kaso ay pagsupil sa mga human rights defenders sa bansa na nagsusulong ng karapatang pantao.

“Ang intention kasi of the case is talagang parang demolition siya sa mga taong concern sa usaping human rights and I think aside from RMP which is a mission partner of CMSP, I thinks ang Gabriella din yung women’s alliance at saka yung Karapatan yung human rights organization din ay sila talaga ang parang kinasuhan sa Korte.” Dagdag pa ni Fr. Buenafe.

Isinampa ang kasong perjury ni Esperon noong taong 2019 dahil sa alegasyong hindi rehistrado sa Securities and Exchange Commission ang nasabing grupo at inakusahang nagpopondo ng mga anti-government activities at nanghihikayat sa mga kabataan na sumama sa mga rebeldeng grupo.

Sa kabila nito nasasaad sa desisyon ng Quezon City Metropolitan Trial Court na nabigo ang prosekusyon na patunayan ang mga akusasyon laban sa mga respondent.

Kabilang sa napawalang sala sa nasabing kaso ay si Sister Elenita Belardo, national coordinator ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) at ilang mga kasapi ng human rights group na Karapatan at Gabriela.

Unang tiniyak ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang suporta sa Rural Missionaries of the Philippines (RMP) bilang kasaping organisasyon na katuwang sa misyon ng pagkakawanggawa at pagsasabuhay sa misyon na ibahagi si Hesus sa bawat pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 27,230 total reads

 27,230 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 75,101 total reads

 75,101 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 179,049 total reads

 179,049 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 265,163 total reads

 265,163 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 333,936 total reads

 333,936 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top