Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbubukas ng E-HUB sa SM Megamall, pinangunahan ni Cardinal Advincula.

SHARE THE TRUTH

 1,300 total views

Pinasinayaan ng Chapel of the Eucharistic Lord ng SM Mega Mall ang Evangelization Hub (E-HUB) na layong palalawakin ang pagmimisyon ng simbahan.

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagpasinaya kasama si Hans Sy at pamilya bilang kinatawan ng SM Malls at Msgr. Esteban Lo, LRMS ang – chaplain ng Chapel of the Eucharistic Lord.

Sa mensahe ng cardinal binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagbukas ng E-HUB bilang tugon sa panawagan ng Santo Papa Francisco na maging simbahang nagmimisyon sa bawat komunidad.

“This place (E-HUB) is our concrete response to this dream of Pope Francis of a missionary church that goes forth and does not settle for maintenance,” ayon sa pahayag ni Cardinal Advincula.

Ikinatuwa ng arsobispo ang pagkakaroon ng lugar para sa pagmimisyon sa loob ng establisimiyento kung saan maaring dumalo ang sinumang nagnanais mapalalim ang kamalayan sa pananampalataya at ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon.

Sinabi ni Cardinal Advincula na sa E-HUB higit ipapalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon lalo sa mga kabataang nanamlay ang pananampalataya.

“We will try to re-propose the Gospel to people, especially the young people, who may have lost their appetite for their faith. This will be a safe space for them to ask and explore their faith without being judged or condemned. This place will be inclusive and welcoming to all,” dagdag ng cardinal.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Msgr. Lo ibinahagi nitong maaring classroom o cafeteria setting ang E-HUB batay sa programa.

Aniya, 2019 nang planuhin ang E-HUB sa pagdiriwang ng Extraordinary Missionary Month kasabay ng ika – 100 anibersaryo ng mission document ni Pope Benedict XV na ‘Maximum Illud’.

“Dito makikita sa E-HUB na everyone is a missionary disciple, yan ang patutunayan at masasaksihan dito sa E-HUB … kasi lahat ng involved dito ay from different walks of life…tama sa tema ng ating World Mission Sunday na ‘you will be my witnesses’ at ito ay sinasabi sa bawat binyagan, sa bawat kristiyano at ito po ay maging reality dito sa E-HUB,” ani Msgr. Lo.

Ayon sa pari iba’t ibang mga religious mandated organization ng Archdiocese of Manila ang naglaan ng dalawang oras mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas nuwebe ng gabi para magsagawa ng programa at pagmimisyon sa E-HUB mula Lunes hanggang Linggo.

Kapwa pinasalamatan ni Cardinal Advincula at Msgr. Lo ang pamunuan ng SM Megamall at pamilya Sy na muling nagkaloob ng lugar para sa ebanghelisasyon ng simbahan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 631 total views

 631 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 21,359 total views

 21,359 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 29,674 total views

 29,674 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 48,395 total views

 48,395 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 64,546 total views

 64,546 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 2,463 total views

 2,463 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top