Mananampalataya inaanyayahan sa pagbabasbas ng mga imahe sa paggunita ng UNDAS 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 917 total reads

Inaanyayahan ng Nuestra Señora De La Soledad De Manila Parish sa Tondo Manila ang mananampalataya na dumalo sa pagbabasbas ng mga imahe sa November 1 sa pagdiriwang ng Todos Los Santos.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Douglas Badong ang kura paroko ng parokya, ito ay paraan upang parangalan ang mga banal na buong kababaang loob na nag-alay ng kanilang buhay sa Panginoon at nanindigan sa pananampalataya.

Ipinaliwanag ni Fr. Badong sa All Saints Day ay nararapat na gunitain ang kabanalang ipinamamalas ng mga santo ng simbahan sa halip na itaguyod ang katatakutan.

“Sa November 1, inaanyayahan kayo sa gagawing prusisyon ng mga Banal at Santo, yung mga may maliliit na imahe maari po kayong dumalo sa Banal na Misa bago ang prusisyon para sa pagbebendisyon; Ipagdiwang natin ang kabanalan, ‘wag ang Katatakutan.” pahayag ni Fr. Badong sa Radio Veritas.

Alas singko ng hapon gaganapin ang Banal na Eukaristiya na susundan ng pagbabasbas sa mga imahe at prusisyon ng mga Banal.

Naniniwala si Fr. Badong na dapat palakasin ang katesismo sa mahalagang pagdiriwang ng All Saints Day at All Souls Day na ilaan para parangalan ang mga banal ng simbahan at ipanalangin ang kaluluwa ng mga yumaong mahal sa buhay.
Sa Pilipinas bagamat may ilang nakaugalian ang halloween party o pagsusuot ng mga nakakatakot na kasuotan ay isinusulong naman ng simbahan ang parade of saints lalo sa mga kabataan kung saan hinimok na tularan ang bihis ng kinagigiliwang santo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sense of entitlement!

 59,211 total reads

 59,211 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 79,473 total reads

 79,473 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 157,861 total reads

 157,861 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 202,172 total reads

 202,172 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 237,211 total reads

 237,211 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top