Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbubukas ng E-HUB sa SM Megamall, pinangunahan ni Cardinal Advincula.

SHARE THE TRUTH

 1,310 total views

Pinasinayaan ng Chapel of the Eucharistic Lord ng SM Mega Mall ang Evangelization Hub (E-HUB) na layong palalawakin ang pagmimisyon ng simbahan.

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagpasinaya kasama si Hans Sy at pamilya bilang kinatawan ng SM Malls at Msgr. Esteban Lo, LRMS ang – chaplain ng Chapel of the Eucharistic Lord.

Sa mensahe ng cardinal binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagbukas ng E-HUB bilang tugon sa panawagan ng Santo Papa Francisco na maging simbahang nagmimisyon sa bawat komunidad.

“This place (E-HUB) is our concrete response to this dream of Pope Francis of a missionary church that goes forth and does not settle for maintenance,” ayon sa pahayag ni Cardinal Advincula.

Ikinatuwa ng arsobispo ang pagkakaroon ng lugar para sa pagmimisyon sa loob ng establisimiyento kung saan maaring dumalo ang sinumang nagnanais mapalalim ang kamalayan sa pananampalataya at ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon.

Sinabi ni Cardinal Advincula na sa E-HUB higit ipapalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon lalo sa mga kabataang nanamlay ang pananampalataya.

“We will try to re-propose the Gospel to people, especially the young people, who may have lost their appetite for their faith. This will be a safe space for them to ask and explore their faith without being judged or condemned. This place will be inclusive and welcoming to all,” dagdag ng cardinal.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Msgr. Lo ibinahagi nitong maaring classroom o cafeteria setting ang E-HUB batay sa programa.

Aniya, 2019 nang planuhin ang E-HUB sa pagdiriwang ng Extraordinary Missionary Month kasabay ng ika – 100 anibersaryo ng mission document ni Pope Benedict XV na ‘Maximum Illud’.

“Dito makikita sa E-HUB na everyone is a missionary disciple, yan ang patutunayan at masasaksihan dito sa E-HUB … kasi lahat ng involved dito ay from different walks of life…tama sa tema ng ating World Mission Sunday na ‘you will be my witnesses’ at ito ay sinasabi sa bawat binyagan, sa bawat kristiyano at ito po ay maging reality dito sa E-HUB,” ani Msgr. Lo.

Ayon sa pari iba’t ibang mga religious mandated organization ng Archdiocese of Manila ang naglaan ng dalawang oras mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas nuwebe ng gabi para magsagawa ng programa at pagmimisyon sa E-HUB mula Lunes hanggang Linggo.

Kapwa pinasalamatan ni Cardinal Advincula at Msgr. Lo ang pamunuan ng SM Megamall at pamilya Sy na muling nagkaloob ng lugar para sa ebanghelisasyon ng simbahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

REAWAKENING

 721 total views

 721 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 8,703 total views

 8,703 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

Cyber terrorists?

 17,304 total views

 17,304 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 25,823 total views

 25,823 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 38,081 total views

 38,081 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top