Pagbuo ng kultura ng presensiya at malasakit, panawagan ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 688 total reads

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa pagbuo ng kultura ng presensya at malasakit sa tahanan, paaralan, komunidad at Simbahan.

Ito ang mensahe ng obispo, bilang tugon sa magkakasunod na insidente ng karahasan sa mga paaralan, kung saan kabilang sa itinuturong dahilan ang impluwensya ng social media at online games.

Paliwanag ni Bishop Santos, hindi lamang dapat itanong kung nakapagdudulot ba ng karahasan ang online games, kundi mas mahalagang suriin kung anong uri ng tahanan at kapaligiran ang nabubuo para sa mga bata.

“I understand that many Filipino parents are working long hours. Some are working far from home, and some parents are themselves struggling to understand the rapidly changing digital world. But even when we cannot monitor everything our children do online, we can still build a relationship in which they feel safe enough to tell us what they are experiencing. Presence is more powerful than surveillance.”

Binigyang-diin niya na kailangan ng isang bata hindi lamang ng limitasyon sa paggamit ng gadget kundi ng pamilya, gabay, malinaw na hangganan, mabuting halimbawa, komunidad at pananampalataya.

“A child needs a family. A child needs guidance. A child needs boundaries. A child needs good examples. A child needs community. A child needs God,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Hinikayat din ni Bishop Santos na huwag ituring na kaaway ang teknolohiya. Sa halip, dapat itong gamitin nang may wastong paggabay at hindi hayaang kontrolin nito ang buhay ng kabataan.

“And this is where we, as parents, educators, communities, and the Church, must work together. Let us not demonize technology. Let us humanize its use. Let us not fear our young people. Let us accompany them. Let us not simply take away their screens. Let us give them something greater to look toward: a life of meaning, friendship, service, faith, and hope,” ayon sa obispo.

Nanawagan ang obispo na bigyang-pansin ang mga senyales tulad ng matinding pagbabago sa asal, bullying, pagbabanta at paglayo sa pamilya o ibang tao.

Ayon sa obispo, may pananagutan ang lahat sa pangangalaga sa mga bata. At dapat aniyang maging ligtas na lugar ang tahanan, paaralan, parokya at maging ang digital spaces para sa kabataan.

Paalala ni Bishop Santos, dapat magsilbing kasangkapan ang teknolohiya at hindi maging panginoon ng buhay ng mga bata.

“And may we always remember: technology should be a tool in the hands of our children, not a master of their lives,” ayon pa kay Bishop Santos.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,271 total reads

 15,271 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 17,599 total reads

 17,599 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 4,423 total reads

 4,423 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 86,131 total reads

 86,131 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 180,356 total reads

 180,356 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 240,845 total reads

 240,845 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 254,524 total reads

 254,524 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top