Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagdalaw ni Pope Francis sa Gitnang Silangan, itinuturing na Oasis of the desert

SHARE THE TRUTH

 214 total views

Makahulugan at makasaysayan ang pagdalaw ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa United Arab Emirates.

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Troadio De Los Santos, OFM Cap. ang Vicar General ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia (AVOSA) sa kauna-unahang pagdalaw ng pinunong pastol ng Simbahang Katolika sa Arabian Peninsula.

Aniya, pinatotohanan sa pagbisita ng Santo Papa sa UAE na patuloy kumikilos ang Simbahan sa buong mundo at bukas sa pakikipagkapwa maging sa iba man ang pananampalataya.

“Ang pagbisita ni Pope Francis sa Abu Dhabi will be a historical moment para sa ating simbahan. Ang kanyang pagbisita ay magbibigay ng patotoo sa lahat ng mga tao sa mundo na buhay ang Simbahang Katoliko dito sa Arabian Peninsula,” pahayag ni Fr. De Los Santos sa Radio Veritas.

Inihalintulad pa ng Pari sa Oasis sa disyerto ang nasabing pagdalaw dahil hatid nito ang mensahe ng kapayapaan para sa mamamayan ng UAE na lugar ng mga Muslim alinsunod sa tema na “Make me a Channel of Peace.”

Ipinaliwanag ng Vicar General ng AVOSA na ang pagdalaw ay magpapasigla sa pananampalataya ng mga Katolikong dayuhan sa Arabian Peninsula at upang alamin ang kalagayan ng bawat mananampalataya para lalong masigasig ang pananalig sa Panginoon.

“Ito rin ay magbibigay ng pag-asa, magbibigay ng sigla sa mga mananampalataya dahil ang pagdating ng Papa ay nagpapahayag ng mahalaga tayong lahat sa Santo Papa,” ani ni Fr. De Los Santos.

COINCIDENCE
Ibinahagi rin ni Fr. De Los Santos na magandang pagkakataon din ang pagbisita ni Pope Francis sa Arabia sapagkat gugunitain ngayong taon 2019 ang ika – 800 taon ng kauna-unahang pagtatagpo ng isang Kristiyano at Muslim.

“Itong 2019 ay 800 anniversary ng pagdalaw, pagpunta ni San Francisco ng Assisi sa Sultan ng Egypt na si Sultan Malik Al-Kamil hindi upang i-convert kundi makipag-dialogue at sila’y naging maging magkaibigan at yun ang kauna-unahang pagtatagpo ng isang Kristiyano at ng isang Muslim na hindi nag-aaway,” paglalahad ng Pari.

Tugma din ang pagdating ng Santo Papa lalo’t ang pangalan nito ay isinunod kay San Francisco ng Assisi at kauna-unahang Santo Papa na bumisita sa Arabian Peninsula na tulad ng Santo ay hatid din ang kapayapaan sa lugar.

Dahil dito, hinimok ni Fr. De Los Santos ang mga Katoliko sa UAE lalo na ang mga Filipino na taglayin ang espiritu ng kapayapaan at pag-uunawaan sa bawat nakakasalamuha sa bansa.

Hamon pa nito sa mga migrante na maging buhay na saksi sa katotohanang ipinahahayag ni Hesus ang pag-ibig sa kapwa at pakipamuhay ng mapayapa sa pamayanan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw at pananampalataya.

Umaasa ang Pari na kumintal sa puso ng bawat dadalo sa pagtitipon na kasama ang Santo Papa ang bawat aral na ibabahagi nito.

“Nawa ang pagdalaw ng Santo Papa ay mag-iwan sa atin ng sigla upang lalo nating isabuhay ang ating pananampalatayang Kristiyano Katoliko,” ani ni Fr. De Los Santos.

MGA PAGHAHANDA
Nagpasalamat ang AVOSA sa pamahalaan ng United Arab Emirates na nangunguna sa paghahandang pisikal sa pagbisita ni Pope Francis sapagkat maiksing panahon ang nailaan dito dahil Disyembre ng nakalipas na taon kinumpirma ng Vatican ang pagdating ng Santo Papa sa Arabian Peninsula.

Sa panig ng Simbahan naman ay pinaghahandaan ang nakatakdang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa ikalima ng Pebrero na gaganapin sa Zayed Sports City sa Abu Dhabi kung saan inaasahang dadalo ang halos 135, 000 mga Katoliko na karamihan ay mga Filipino at mga taga – India.

Agad rin nagtalaga si Vicar Apostolic of Southern Arabia Bishop Paul Hinder ng iba’t ibang komite na pinamumunuan ng mga Pari at Madre para sa komunikasyon, media, registration sa Papal Mass, Liturgy, Logistics at ang mangangasiwa sa lugar na pagdausan ng Banal na Misa.

Ang gobyerno rin ng UAE ang naghanda sa mga tiket sa Papal Mass, libreng transportasyon at libreng tubig para sa mga dadalo sa Misa.

Bibisita si Pope Francis sa Abu Dhabi sa ikatlo hanggang ikalima ng Pebrero alinsunod sa paanyaya ni Abu Dhabi Crown Prince His Highness Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan para sa “International Interfaith Meeting on Human Fraternity”.

Batay sa tala sa mahigit sampung milyong OFW sa buong daigdig, halos pitong daang libo dito ay nasa United Arab Emirates na halos 80 porsyento ay nagtatrabaho at naninirahan sa Dubai.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

KOOPERATIBA

 13,967 total views

 13,967 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 19,938 total views

 19,938 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 24,121 total views

 24,121 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 33,405 total views

 33,405 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 40,741 total views

 40,741 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Ordination ng Bishop-elect ng Diocese of Gumaca, itinakda sa December 28, 2024

 1,523 total views

 1,523 total views Itinakda ng Diocese of Gumaca ang episcopal ordination ni Bishop-elect Euginius Canete, JR., M.J sa December 28, 2024. Ito ang inanunsyo ni Gumaca Diocesan Administrator Fr. Ramon Uriarte bilang paghahanda ng diyosesis sa pagdating ng bagong pastol. Gaganapin ang ordinasyon sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Vocation is a way of life, paalala ni Bishop Dael sa mga seminarista

 1,527 total views

 1,527 total views Pinaalalahanan ni Tandag Bishop Raul Dael ang mga seminarista na paigtingin ang pananalangin upang higit maramdaman ang kalinga ng Diyos. Inihalintulad ng obispo ang buhay ng mga banal na sa kabila ng mga kahinaan ay patuloy nagtitiwala sa kalinga ng Panginoong nakikilakbay sa bawat misyong kinakaharap. Binigyang diin ni Bishop Dael na ‘vocation

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ni Cardinal Tagle sa deepfake AI

 1,598 total views

 1,598 total views Muling nagbabala ang opisyal ng Vatican sa mananampalataya na maging maingat sa mga nababasa at napapanuod online. Ayon kay Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle, laganap sa internet ang mga Artificial Intelligence (AI) generated content na kadalasang sanhi ng pagkalinlang ng maraming mamamayan. Tinuran ng cardinal ang kanyang mga AI

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Nuestra Senora del Pilar Shrine and Parish, humingi ng paumanhin sa kontrobersiyal na concert

 2,186 total views

 2,186 total views Humingi ng paumanhin ang Nuestra Senora del Pilar Shrine and Parish sa Mamburao Occicdental Mindoro sa mga nasaktan sa nangyaring pagtatanghal sa loob ng simbahan kamakailan. Aminado si Parish Priest Fr. Carlito Meim Dimaano sa mga pagkukulang hinggil sa secular concert sa loob ng simbahan na labis nakasasakit sa damdamin ng mananampalataya dahil

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Catholic schools at mga parokya, inatasang makiisa sa “1-million children praying the rosary”

 3,191 total views

 3,191 total views Inatasan ni Davao Archbishop Romulo Valles ang mga parokya at catholic schools’ ng arkidiyosesis na makiisa sa taunang One million children praying the Rosary campaign na inisyatibo ng Aid to the Church in Need (ACN). Ayon sa arosbispo magandang pagkakataon lalo na sa mga kabataan ang nasabing gawain bilang pakikiisa sa pananalangin para

Read More »
Cultural
Norman Dequia

13th gathering of theology seminarians, opisyal na binuksan sa Cebu

 3,963 total views

 3,963 total views Hinikayat ni Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo ang mga theology seminarian ng Visayas na paigtingin ang buhay pananalangin para sa tinatahak na bokasyong maglingkod sa Diyos at sa kapwa. Ito ang pagninilay ng obispo sa pagbukas ng 13th Gathering of Theology Seminarians in the Visayas (GTSV) na ginanap sa Seminario Mayor de San

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Kalookan, humiling ng panalangin para kay Cardinal elect Ambo David

 4,057 total views

 4,057 total views Humiling ng panalangin ang Diocese of Kalookan para sa patuloy na misyong gagampanan ni Bishop Pablo Virgilio David na kamakailan ay hinirang bilang cardinal. Sa pahayag ng diyosesis na sa pagkahirang bilang cardinal ay mas mapapalawig ni Cardinal-designate David ang tungkuling pangalagaan at lingapin ang kawang nasasakupan lalo’t higit ang nangangailangan. “We believe

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Palawakin ang pagmimissyon, hamon sa charismatic group sa Pilipinas

 4,560 total views

 4,560 total views Hinakayat ni Motivational Speaker at Light of Jesus Family Preacher Bro. Arun Gogna ang mga charismatic communities ng Pilipinas na mas palawakin ang pagmimisyon sa buong pamayanan. Ayon kay Gogna dapat pangunahing gawain ng mga charismatic groups ang paglingap sa mga nalalayo at nananamlay ang pananampalataya upang sa tulong ng Espiritu Santo ay

Read More »
Cultural
Norman Dequia

CBCP President, itinalagang Cardinal ni Pope Francis

 5,441 total views

 5,441 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang cardinal ng simbahan. Inanunsyo ng santo papa ang paglikha ng 21 bagong cardinal ngayong araw na ito October 6 sa pinangunahang Angelus sa Vatican. Si cardinal-designate David na kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang ikasampung Pilipinong cardinal

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya hinimok na makiisa sa “day of prayer and fasting for peace”

 6,492 total views

 6,492 total views Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na makiisa sa panawagang Day of Prayer and Fasting for Peace ng Papa Francisco sa October 7. Sinabi ng arsobispo na malaki ang maitutulong ng mga panalangin, pag-aayuno at pagsasakripisyo para sa matamo ng mundo ang kapayapaang hatid ni Hesus lalo na sa mga bansang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

CHARIS convention, napakahalagang paghahanda sa Jubillee 2025

 6,784 total views

 6,784 total views Inihayag ni Cebu Archbishop Jose Palma na magandang pagkakataon ang isinasagawang CHARIS Convention upang manariwa sa damdamin ng tao ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan sa tulong at gabay ng Banal na Espiritu. Ito ang mensahe ng arsobispo sa nagpapatuloy na CHARIS National Convention na binuksan nitong October 4. Sinabi ni Archbishop Palma

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Ipagdasal ang bagong Obispo ng Diocese of Cubao

 6,803 total views

 6,803 total views Humiling ng panalangin at pakikipagtulungan si Cubao Bishop Emeritus Honesto Ongtioco sa mananampalataya ng diyosesis sa pagtalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ng bagong obispo ng diyosesis. Ayon kay Bishop Ongtioco,mahalaga ang suporta ng mananampalataya sa pagsisimula ng pagpapastol ni Bishop-elect Fr. Elias Ayuban, Jr., CMF. “I humbly ask all the faithful of our

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“It’s always a call to service, I am ready!”-Bishop-elect Cañete

 8,355 total views

 8,355 total views Ito ang mensahe ni Fr. Euginius Cañete, MJ makaraang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang obispo ng Diocese of Gumaca sa Quezon. Bagamat may mga agam-agam sa mas malaking misyon ipinagkatiwala ni Bishop-elect Cañete sa Panginoon ang paggabay upang magampanan ang tungkuling pagpastol sa diyosesis. Naniniwala ang bagong obispo na makatutulong ang kanyang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pananalangin, inilunsad bilang paghahanda sa bagong obispo ng Gumaca

 7,974 total views

 7,974 total views Ipinag-utos ng Diocese of Gumaca sa pamamagitan ng liham sirkular ni Diocesan Administrator Fr. Ramon Uriarte ang pag-usal ng mga panalangin ng paghahanda para sa bagong obispo. Ito ang hakbang ng diyosesis makaraang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Fr. Euginius Cañete, MJ bilang ikaapat ng obispo ng Gumaca, Quezon. Sinabi ni Fr.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral Care Committee ng Lung Center of the Philippines, patuloy na nakikilakbay sa mga may karamdaman

 8,356 total views

 8,356 total views Tiniyak ng Pastoral Care Committee ng Lung Center of the Philippines sa pamumuno ni Chaplain Fr. Almar Roman, M.I. ang patuloy na paglingap sa pangangailangan ng mga may karamdaman. Sa pagdiriwang ng kapistahan ni St. Therese of the Child Jesus ang patrona ng ospital, binigyang diin ni Fr. Roman ang pagsasagawa ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top