Pagdideklara sa Nuestra Señora de Candelaria church bilang National Cultural Treasure of the Philippines, pamana sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 992 total reads

Pinangunahan ni Diocese of Imus Bishop Reynaldo Evangelista – Chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs ang banal na misa kasunod ang pagsasapubliko ng pananda ng paghirang sa simbahan at mga retablo ng Nuestra Señora de Candelaria Parish sa Silang Cavite bilang National Cultural Treasure of the Philippines.

Ayon sa Obispo, nawa ang pananda ng pambansang yamang pangkalinangan na ipinagkaloob ng National Museum of the Philippines ay lalo pang magpatingkad sa kahalagahan ng simbahan at sa pananampalataya ng mga Katoliko.

Umaasa din ang Obispo na ngayong darating na pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa taong 2021 ay mas mabibigyang halaga ang pangangalaga sa mga pinaka unang simbahan sa Pilipinas tulad ng simbahan ng Silang Cavite.

“Sana ang kahalagahan na ito ng simbahan ay lalo pang magpalalim sa ating pananampalatayang katoliko lalo pa tayo ay magdiriwang ng ika-500 taon ng pagdating ng Kristiyanismo sa ating bansa sa 2021.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Evangelista.

Samantala, pinasalamatan naman ni Father Marty Dimaranan, Parish Priest ng Nuestra Señora de Candelaria ang magandang pagtutulungan ng pamahalaan at simbahan sa Silang, upang mapagyaman at mapangalagaan ang mga makasaysayang kultura sa Pilipinas.

Naniniwala si Father Dimaranan na ang pagpreserba sa simbahan, sa mga retablo nito at sa iba pang kultural na kayamanan ng bansa ay isang natatanging pamana para sa mga kabataan.

Dahil dito, binigyang diin rin ng pari na mahalagang maimulat ang mga ito bilang mga susunod na tagapangalaga ng kultura at kayamanan ng bansa.

“Balang araw kapag nawala kami ang mga kabataan ang papalit kaya sikapin natin bilang matatanda na ayusin na ang dapat ayusin, panatilihin ang ganda ng mga retablong ito para itong ipapamana natin sa mga kabataan at sa mga susunod na magiging lider nitong bayang ito.” Pahayag ni Father Dimaranan sa Radyo Veritas.

Ang simbahan ng Nuestra Señora De Candelaria ay itinatag noong taong 1595 at kasalukuyang 424 na taon nang pinananahanan ng mga mananampalatayang katoliko sa Cavite, samantala, ang tatlong retablo naman nito ay umaabot na sa mahigit 300 taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 65,369 total reads

 65,369 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 113,828 total reads

 113,828 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 161,700 total reads

 161,700 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 265,645 total reads

 265,645 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 348,626 total reads

 348,626 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,157 total reads

 42,157 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,037 total reads

 35,037 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top