‘Incorrupt heart relic’ ni St. Camillus sa Pilipinas, palatandaan ng pag-ibig ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 429 total views

Biyaya ng Panginoon ang pagdalaw sa incorrupt heart relic ni St. Camillus De Lellis.

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Dan Cancino Jr. MI, Executive Secretary ng Episcopal Commission on Health Care ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagdalaw ng relikya ng Santo sa Philippine Heart Center at National Kidney and Transplant Institute.

Aniya, ito rin ay paalala sa mga Filipinong mananampalataya na hindi nalilimutan ng Panginoon ang Pilipinas sa kabila ng napakaraming hamon na kinakaharap ng bansa at mga pagsubok na nararanasan.

“Ang kanyang pagdating dito sa Pilipinas at sa mga pangyayari dito sa ating bansa ito ay maituturing na isang napakahalagang biyaya ng ating Panginoon, yung pagpapala ng Panginoon na hindi tayo nakakalimutan ng Panginoon,” pahayag ni Fr. Cancino sa Radio Veritas.

Ilan sa mga karanasang binanggit ng Pari ang naganap na pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo Sulu na ikinasawi ng 22 katao habang higit sa 100 naman ang nasugatan, pagsabog sa isang Mosque sa Zamboanga City na ikinasawi ng dalawang katao, mga nakaranas ng iba’t ibang kalamidad sanhi ng kapabayaan ng tao at natural na kalamidad sa kalikasan dahil sa kalapastanganan ng tao.

Paliwanag ni Fr. Cancino, bagamat nakararanas ng kadiliman ang mundo ipinaalaala ng Panginoon sa pamamagitan ni St. Camillus De Lellis ang kaniyang habag at awa sa sangkatauhan.

“Magandang makita natin na, hindi natatapos ang buhay natin sa dilim, hindi natatapos ang buhay natin sa hirap, hindi kailaman mananalo ang karahasan, hindi kailanman mananalo ang kasalanan. Yung puso ni San Camilo ay sumisimbolo na ang panalo ay ang pag-ibig, ang liwanag at kapayapaan ng ating Panginoon,” ani ni Fr. Cancino ng Camillan Fathers.

Giit ng opisyal ng CBCP na ang pagdating ng hindi naaagnas na puso ni St. Camillus De Lellis sa Pilipinas ay magpapaalala sa ating lahat sa pagpanibago ng ating pananampalataya at nakasusunod sa kalooban ng Diyos at tagapagpapalaganap ng pag-ibig ng Panginoon.

Sa Banal na Misang isinagawa sa PHC hinimok ni Fr. Cancino ang mananampalataya na ipadama sa kapwa lalo na sa mga may karamdaman ang pag-ibig ng Panginoon sa pamamagitan ng taos-pusong pag-aaruga at pagmamahal.

Paliwanag din ng Pari na ang taong bukas ang puso sa pag ibig ng Diyos ay tunay na nagbabahagi sa kapwa at naging daluyan ng dakilang pag ibig ng Diyos para sa sangkatauhan.

Hiling ni Fr. Cancino sa mananampalataya na ipanalangin ang mga may karamdaman sa lahat ng mga pagamutan at yaong mga nakaratay sa kani kanilang mga tahanan.

Ikalawa ng Pebrero ng dumating ang higit sa 400 taong ‘incorrupt heart relic’ ni St. Camillus de Lellis sa Pilipinas at mananatili hanggang ika-31 ng Marso at inaasahang dadalaw sa iba’t ibang lalawigan sa bansa maging sa ilang mga pagamutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 131,722 total views

 131,722 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 256,133 total views

 256,133 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 295,314 total views

 295,314 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 367,583 total views

 367,583 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top