VeritasPH

The Word, The Truth

Paghandaan ang nagbabadyang panganib

SHARE THE TRUTH

 153 total views

Mga Kapanalig, halos sunud-sunod ang magagandang balita tungkol sa bumababa nang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa. Habang isinusulat ang editoryal na ito, 370 ang naitalang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-10, malayo sa halos libo kada araw nitong mga nakaraang buwan. Umabot na sa halos 40 milyong Pilipino o 36% ng populasyon ng bansa ang fully vaccinated na. Nagsimula na ring mag-ulat ng zero COVID-19 cases ang ilang ospital, bayan, at lungsod. Kasalukuyang nasa “very low risk” para sa COVID-19 ang Metro Manila.

Ngunit kung kailan naman dahan-dahan nang bumubuti ang kalagayan natin dahil na rin sa iba’t ibang pagsisikap upang mapigilan ang COVID-19, may bago na namang “variant of concern” na naitala ang World Health Organization noong nakaraang buwan. Bagamat kapansin-pansing mas mabilis nang nagpatupad ng travel ban ang ating gobyerno sa mga bansang nakapagtala na ng Omicron variant, sinabi ng Department of Health na hindi maaaring isara ang borders ng Pilipinas nang walang katiyakan kung hanggang kailan, kaya’t hindi raw maiiwasang pumasok sa bansa ang bagong variant. Upang makontrol ang pagkalat ng Omicron variant, inilagay na ng Pilipinas ang 14 bansa sa “red list” nito ng mga bansang may high risk ng COVID-19.

Ayon naman sa OCTA Research, isang pribadong grupo ng mga manananaliksik at ekspertong nagbibigay ng mga payong may kaugnayan sa pandemya, hindi raw kailangang alalahanin ng mga tao ang bagong variant, at sa halip ay dapat ipagdiwang ang paparating na Pasko. Ayon sa isa sa mga miyembro ng OCTA Research Team, kahit na tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa ibang bansa dahil sa bagong variant, hindi naman daw tumataas ang bilang ng mga naoospital, hindi katulad ng Delta variant. Ito ang balitang nais nating marinig dahil nagbibigay pag-asa ito sa ating mapagtatagumpayan natin ang pandemya. Ngunit hindi pa rin ito dahilan upang maging kampante ang publiko, lalung-lalo na ang mga kinauukulan.

Ano naman ang paghahandang gagawin ni Pangulong Duterte? Sinabi niyang gusto niyang barilin at patayin ang bagong natuklasang COVID variant. Hindi natin alam kung mapapanatag at mapapalagay tayo sa ganitong salita mula sa pinakamataas na lider ng bansa. Bagamat umaasa at ipinapanalangin daw ng pangulong hindi makarating sa Pilipinas ang Omicron variant, kasabay dapat nito ang mga konkretong desisyon gaya ng agarang pagpapatupad at paghihigpit ng travel bans at pagpapaigting sa mga vaccination drives upang tunay na mapaghandaan ang variant na ito at kung mayroon pang mga susunod.

Sa ensiklikal na Rerum Novarum, binibigyang-diin ni Pope Leo XIII na dapat laging itinataguyod ng mga pinuno ng pamahalaan ang kapakanan at kaligtasan ng lahat ng kanilang pinamumunuan. Umiiral ang pamahalaan at ang mga namumuno rito dahil sa bayang kanilang pinaglilingkuran, kaya’t kabutihan ng mga mamamayan ang dapat na pinagtutuunan ng pansin at pinahahalagahan ng gobyerno. Maagap dapat ang pagtugon ng ating pamahalaan sa anumang krisis na ating kinakaharap, lalo na ang krisis pangkalusugan.

Walang mali kung magiging positibo tayo sa ating pagtingin sa kalagayan natin ngayon, ngunit hindi ibig sabihin nito ay maging kampante tayo at ang ating mga lider. Sa dalawang taong pakikipagbuno natin sa COVID-19 at sa mga naging epekto nito, marami na tayong mga aral na dapat natutunan. Upang tunay na maging maganda ang susunod na taon, mahalaga ang mga hakbang na gagawin ng ating pamahalaan lalo na sa usapin pa rin ng mass testing, contact tracing, vaccination at pagpapalakas sa kapasidad ng mga ospital.

Mga Kapanalig, gaya ng bilin sa atin sa Timoteo 2:2, “ipanalangin ninyo ang mga hari at mga may kapangyarihan para makapamuhay tayo nang tahimik at mapayapa na may kabanalan.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 4,182 total views

 4,182 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 20,168 total views

 20,168 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 28,213 total views

 28,213 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 33,293 total views

 33,293 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 38,999 total views

 38,999 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 4,183 total views

 4,183 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 20,169 total views

 20,169 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 28,214 total views

 28,214 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 33,294 total views

 33,294 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 39,000 total views

 39,000 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,371 total views

 44,371 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,296 total views

 41,296 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,610 total views

 55,610 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,300 total views

 59,300 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,903 total views

 57,903 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,890 total views

 67,890 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,858 total views

 71,858 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,745 total views

 82,745 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,184 total views

 95,184 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,942 total views

 105,942 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top