Pagiging mabuting pastol ni Bishop Macaraeg, kinilala ng SLP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,470 total views

Nagluksa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa biglaang pagpanaw ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg nitong October 23.

Kinilala ng grupo ang pagiging mabuting pastol ng obispo na kasalukuyang chairperson ng Episcopal Commission on the Laity ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kung saan nagsisilbing implementing arm ang SLP.

Batid nito ang pagiging payak ni Bishop Macaraeg at masigasig na paggabay sa mga layko tungo sa landas ng Panginoong Hesukristo.

“His personal stories and sincere affection towards ordinary people have given us a testimony of the love of Christ in his life,” pahayag ng SLP.

Pumanaw si Bishop Macaraeg sa edad na 67 taong gulang dahil sa atake sa puso habang lumahok sa basketball tournament sa Malasiqui Pangasinan.

Tinuran ng mga layko na ipagpatuloy ang mga mabubuting halimbawang ipinamalas ni Bishop Macaraeg sa kanyang paninilbihang pinuno ng komisyong nangangalaga sa kawan ng Panginoon.

Anila nawa’y sa mga panalangin ng namayapang obispo ay higit na maunawaan ng mga layko ang malaking gampanin sa pag-unlad ng simbahang katolika lalo’t ito ang bumubuo sa 99 porsyentong populasyon ng mananampalataya.

“May his prayers for us as our Bishop-friend lead us to appreciate more our own purposes and discipleship, as he will continue to journey with us,” saad ng grupo.

Sa nalalapit na 23rd National Biennial Convention ng mga layko na isasagawa sa Tacloban City sa October 27 hanggang 29 ay iaalay ng SLP ang mga panalangin sa kapayapaan ng paglalakbay ni Bishop Macaraeg tungo sa buhay na walang hanggan.

Si Bishop Macaraeg ay inordinahang pari noong May 19, 1979 sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan habang itinalagang ikatlong obispo ng Tarlac noong March 2016.

Ginawaran ng episcopal ordination noong May 24 at pormal na iniluklok May 31, 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 2,946 total views

 2,946 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 38,736 total views

 38,736 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 80,628 total views

 80,628 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 134,582 total views

 134,582 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 161,371 total views

 161,371 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top