Climate emergency, idineklara sa Albay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,689 total reads

Idineklara ni Albay Governor Edcel Greco Lagman ang climate emergency sa buong lalawigan ng Albay bunsod ng lumalalang krisis sa klima ng daigdig.

Ayon kay Lagman, layunin nitong pagtibayin ang pangakong lumikha ng agaran at makabuluhang pagkilos upang mabawasan ang greenhouse gas emissions, at pagtalima sa Paris Agreement.

Ang Paris Agreement on Climate Change ay ang kasunduan ng mga bansang kasapi sa United Nations, kung saan kabilang ang Pilipinas, na nangakong pananatilihin sa 1.5 degrees Celsius ang temperatura ng daigdig.

“We acknowledge the pressing need to limit global temperature rise to the 1.5 degrees-Celsius target outlined in the Paris Agreement, which is essential to prevent a more catastrophic climate future. The gravity of this situation calls for an unprecedented collective response,” pahayag ni Lagman.

Ginawa ng gobernador ang deklarasyon kasabay ng paghinto ng Climate Walkers sa lalawigan na nagmula pa sa Maynila para gunitain ang ika-10 anibersaryo ng Super Typhoon Yolanda.

Kaugnay nito, nakatakdang magsagawa ng five action points ang Albay local government kasunod ng anunsyong climate emergency.

Kabilang dito ang paghikayat sa sektor ng enerhiya ng lalawigan upang mamuhunan sa renewable energy; pagtalikod sa liquified natural gas at iba pang fossil fuel bilang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya; at paghimok sa mga financial institutions na lumikha ng mga plano upang suportahan ang pagpapatigil sa fossil fuel projects.

Gayundin ang pagtataguyod sa pagpapabuti ng mga polisiya upang matugunan ang mga suliranin sa kalikasan, kabilang na ang pagpapatibay ng local climate action plan at pagsusulong ng paglipat sa low-carbon economy.

“In line with this declaration, we commit to do immediate and substantial actions to reduce greenhouse gas emissions and play our part in mitigating global warming,” saad ni Lagman.

Unang hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na magsama-sama sa pagdedeklara ng climate emergency upang pagtuunan ng mga kinauukulan ang kalagayan ng mga likas na yaman lalo na ang mga apektadong pamayanan.

Inihayag naman ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang apostolic exhortation na Laudate Deum, ang higit pang pagpapaigting ng magkatuwang na pagkilos at pagtugon ng mamamayan at pamahalaan upang mapangalagaan ang nag-iisang tahanan mula sa lumalalang epekto ng climate crisis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 98,178 total reads

 98,178 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 175,142 total reads

 175,142 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 208,590 total reads

 208,590 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 243,890 total reads

 243,890 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 466,644 total reads

 466,644 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,336 total reads

 158,336 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top