Pagiging mabuting pastol ni Bishop Macaraeg, kinilala ng SLP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,623 total reads

Nagluksa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa biglaang pagpanaw ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg nitong October 23.

Kinilala ng grupo ang pagiging mabuting pastol ng obispo na kasalukuyang chairperson ng Episcopal Commission on the Laity ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kung saan nagsisilbing implementing arm ang SLP.

Batid nito ang pagiging payak ni Bishop Macaraeg at masigasig na paggabay sa mga layko tungo sa landas ng Panginoong Hesukristo.

“His personal stories and sincere affection towards ordinary people have given us a testimony of the love of Christ in his life,” pahayag ng SLP.

Pumanaw si Bishop Macaraeg sa edad na 67 taong gulang dahil sa atake sa puso habang lumahok sa basketball tournament sa Malasiqui Pangasinan.

Tinuran ng mga layko na ipagpatuloy ang mga mabubuting halimbawang ipinamalas ni Bishop Macaraeg sa kanyang paninilbihang pinuno ng komisyong nangangalaga sa kawan ng Panginoon.

Anila nawa’y sa mga panalangin ng namayapang obispo ay higit na maunawaan ng mga layko ang malaking gampanin sa pag-unlad ng simbahang katolika lalo’t ito ang bumubuo sa 99 porsyentong populasyon ng mananampalataya.

“May his prayers for us as our Bishop-friend lead us to appreciate more our own purposes and discipleship, as he will continue to journey with us,” saad ng grupo.

Sa nalalapit na 23rd National Biennial Convention ng mga layko na isasagawa sa Tacloban City sa October 27 hanggang 29 ay iaalay ng SLP ang mga panalangin sa kapayapaan ng paglalakbay ni Bishop Macaraeg tungo sa buhay na walang hanggan.

Si Bishop Macaraeg ay inordinahang pari noong May 19, 1979 sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan habang itinalagang ikatlong obispo ng Tarlac noong March 2016.

Ginawaran ng episcopal ordination noong May 24 at pormal na iniluklok May 31, 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 98,190 total reads

 98,190 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 175,153 total reads

 175,153 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 208,601 total reads

 208,601 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 243,901 total reads

 243,901 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 466,654 total reads

 466,654 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top