News:

Caritas Manila RJ, nagsagawa ng medical mission sa Makati city jail

SHARE THE TRUTH

 16,058 total views

Nagsagawa ng Medical Mission ang Caritas Manila Restorative Justice Prison Ministry para sa mga kababaihang Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng Makati City Jail Female dorm.

Ang isinagawang Medical Mission ng Caritas Manila Restorative Justice Prison Ministry ay bahagi ng paggunita ng social arm ng Archdiocese of Manila sa 36th Prison Awareness Week na may tema ngayong taon na “The Correctional Community: Journeying Together in Mutual Support on a Mission of Love” na layuning paigtingin ang pagmimisyon para sa kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Ayon kay Caritas Manila RJ Prison Ministry Program Officer Bianca Marcelino, mahalaga ang patuloy na pagbibigay halaga at pansin sa kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na kadalasan ng naisasantabi sa lipunan dahil sa kanilang nagawang pagkakasala sa buhay.

“Huwag po kayong matakot na bumisita sa loob ng mga city jail o sa mga correctional dahil itong mga tao nandidito ay sinusubukan nila na mabago ang kanilang buhay kaya tayong mga nandito ang Caritas Manila at iba’t ibang mga organisasyon ay may programa para lumakas ang loob nila. Huwag po kayong matakot sila ay mababait naman, kayo po minsan ay sumama sa mga ganitong aktibidad ng mga iba’t ibang mga programa para kayo po mismo sa inyong mga mata ay makita po ninyo na safe naman po dito sa loob syempre sa tulong ng ating mga BJMP o mga jail officers dito magiging maayos naman po at makikita niyo din ito.” pahayag ni Marcelino sa Radio Veritas.

Nagpapasalamat naman si Makati City Jail – Female Dorm Warden Jail Senior Inspector Girlie A. Haber sa Caritas Manila Restorative Justice Prison Ministry ng Medical Mission para sa mga babaeng PDLs sa piitan lalo’t ginugunita din ngayong linggo ang National Correctional Consciousness Week na may temang “Dekalidad na Programang pang-Piitan Tungo sa Hangad na Pagbabago at Kaunlaran”.

“Sobrang laki po ng tulong nitong ginagawa po ng Caritas Manila lalong lalo na po itong medical mission lalong lalo na po sa ating BJMP napakalimitado lang po ng ating mga doktor so hindi po lahat ay nabibigyan ng pagkakataon upang ma-check-up kaya sobrang laki po ng tulong na ito para po sa ating mga PDLs.” Pahayag ni JSINSP Haber sa Radio Veritas.

Umabot sa 120 mga babaeng PDLs ang natulungan ng Medical Mission sa Makati City Jail Female dorm, kung saan nagkaroon ng Medical Consultation, Eye Check-up at Dental Check-up gayundin ang pamamahagi ng mga bitamina, gamot at Rosaryo para sa mga Katolikong PDLs.

Katuwang ng Caritas Manila Restorative Justice Prison Ministry sa isinagawang Medical Mission ang Caritas Damayan, Bureau of Jail Management and Penology at ang The Generics Pharmacy.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang Internet at Ebanghelyo

 7,179 total views

 7,179 total views Sa pagpasok ng digital age, ang internet at social media ay naging makapangyarihang kasangkapan ng komunikasyon. Binuksan nito ang panibagong mundo sa ating lahat, at ginawang global citizens ang mga tao sa buong mundo. Ang isang click lamang natin ay malayo ang maabot sa Internet. Ang internet kapanalig, ay naging katuwang na rin

Read More »

Online shopping

 23,314 total views

 23,314 total views Nalalapit na naman ang pasko, at para sa mga Pilipino, ito rin ay panahon ng regalo. At kung dati rati ay sa shopping malls at tiangge ang punta ng tao, ngayon, may bagong option na tayo, ang online shopping. Napakarami na sa atin ang nag-o-online shopping na ngayon. Mas convenient na kasi, at

Read More »

Mental health sa kabataan

 39,548 total views

 39,548 total views Mga Kapanalig, may panukalang batas ngayon sa Senado na layong magtatag ng isang school-based mental health program. Kung maisasabatas ang Senate Bill 2200 o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act na iniakda ni Senador Sherwin Gatchalian, magkakaroon ang bawat pampublikong paaralan ng tinatawag na “care center”. Para mangyari ito, paliwanag

Read More »

Sakripisyo ng mga OFW

 55,379 total views

 55,379 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagdalo niya sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit na ginanap sa San Francisco ngayong buwan, nakipagkita si Pangulong Bongbong Marcos, Jr sa mga kababayan nating OFW sa Amerika. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng pangulo ang mga kababayan nating nagtatrabaho o nakatira na roon sa Amerika. Malaking tulong daw ang mga

Read More »

VIP treatment na naman

 67,750 total views

 67,750 total views Mga Kapanalig, parang eksena sa pinagbibidahan niyang pelikula ang pananabón ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr kay MMDA Task Force Special Operations Unit head Edison “Bong” Nebrija.  Nangyari ito nang pumunta si Nebrija at si acting MMDA Chairman Romando Artes sa Senado upang humingi ng tawad sa senador. Sinabi kasi ni Nebrija, batay

Read More »

Watch Live

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Kamalayan sa dinaranas na pag-uusig ng mga Kristiyano, napukaw ng Red Wednesday

 529 total views

 529 total views Naniniwala ang Aid to the Church in Need (ACN)-Philippines na sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na isang pambihirang pagkakataon ang Red Wednesday campaign upang epektibong mapalawak ang kamalayan ng bawat isa sa pag-uusig na dinaranas ng mga Kristiyano sa iba’t-ibang panig ng mundo. Tema ng Red Wednesday ngayong taon ang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pakikibahagi ng Pilipinas sa ICC, paraan upang manumbalik ang tiwala ng mamamayan sa gobyerno

 3,511 total views

 3,511 total views Nagpahayag ng suporta ang social development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa patuloy na panawagan upang muling makibahagi ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC). Unang nagpahayag ng suporta ang Caritas Philippines sa nakatakdang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng ICC sa marahas na war on drugs at naganap

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok ng PJPS na makiisa sa “Give Joy on Christmas” project

 4,003 total views

 4,003 total views Muling inanyayahan ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ang bawat isa na magbahagi ng biyaya, kaligayahan at kagalakan sa kapwa lalo’t higit para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa papalapit na pasko. Ito ang paanyaya ng PJPS na pinamumunuan bilang executive director ni Rev. Fr. Firmo “Jun-G” Bargayo, SJ kaugnay sa

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Rehab sa mga nalulong sa droga, paiigtingin ng simbahan

 6,857 total views

 6,857 total views Tiniyak ng drug rehabilitation program ng Archdiocese of Manila na “SANLAKBAY para sa Pagbabagong Buhay” ang patuloy na pagpapalaganap ng kamalayan para tuluyang masugpo ang suliranin ng droga. Ayon kay SANLAKBAY Priest-In-Charge Rev. Fr. Roberto Dela Cruz, patuloy ang pagsusumikap ng Simbahan na masugpo ang problema ng illegal na droga sa bansa partikular

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Makiisa sa red wednesday campaign, panawagan ng CBCP sa mga diocese at archdiocese

 5,037 total views

 5,037 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa bawat diyosesis, relihiyoso, mga lingkod ng Simbahan at mga mananampalataya na makibahagi sa paggunita ng Red Wednesday ng Aid to the Church in Need sa ika-29 ng Nobyembre, 2023. Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang taunang gawain ay isang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Bike for Peace, isasagawa ng diocese of Kidapawan

 13,349 total views

 13,349 total views Magsasagawa ng “Bike for Peace” ang Diyosesis ng Kidapawan bilang bahagi ng paggunita ng Mindanao Week of Peace sa ika-30 ng Nobyembre, 2023 hanggang ika-anim ng Disyembre, 2023. Inaasahang pangungunahan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang gawain na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace. Paliwanag ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mananampalataya, inaanyayahang makiisa sa Red Wednesday campaign

 11,913 total views

 11,913 total views Inanyayahan ng Aid to the Church in Need (ACN)-Philippines ang bawat mananampalataya na muling makiisa sa nakatakdang Red Wednesday campaign sa ika-29 ng Nobyembre, 2023. Ayon kay Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas – pangulo ng Aid to the Church in Need – Philippines, ang pula ay sumasagisag sa alab ng puso at dugo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Kabataan, regalo ng panginoon sa pagpapatatag ng simbahan

 13,261 total views

 13,261 total views Itinakda sa Diyosesis ng Calbayog ang susunod na Regional Youth Day 2026 na pagtipon-tipon ng mga kabataang mananampalataya ng Central at Eastern Visayas region. Sa pagtatapos ng apat na araw na pagtitipon ng mga kabataan sa rehiyon na naganap sa Diyosesis ng Tagbilaran noong ika-16 hanggang ika-19 ng Nobyembre, 2023 ay inihayag na

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pari, nanawagang ipagdasal ang seguridad ni de Lima

 20,188 total views

 20,188 total views Naniniwala si Fr. Flavie Villanueva, SVD na mahalagang ipanalangin ang seguridad at kaligtasan ni dating Senator Leila De Lima. Ito ang bahagi ng pahayag ng Pari, founder ng Arnold Janssen Kalinga Foundation na may programang Paghilom para sa mga biktima ng marahas na War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte at nagsilbi

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Humanitarian cessation of hostilities sa holy land, panawagan ng One Faith One Nation One Voice

 26,150 total views

 26,150 total views Nagkaisa ang mga opisyal ng iba’t ibang relihiyon at denominasyon sa bansa sa pananawagan para sa pagkakaroon ng kapayapaan sa Holy Land. Sa pamamagitan ng One Faith One Nation One Voice ay nagpahayag ng nagkakaisang panawagan ang mga lingkod ng Simbahan upang wakasan na ang nagaganap na sagupaan sa pagitan ng Palestina at

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ugnayan ng VPS at simbahan, palalakasin ng bagong chairman ng CBCP-ECPPC

 25,779 total views

 25,779 total views Opisyal ng ipinasa ni Legazpi Bishop Joel Baylon- outgoing chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang posisyon kay Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio bilang chairman ng kumisyon. Sa kanyang mensahe nagpaabot ng pasasalamat si Bishop Baylon sa lahat ng kanyang mga nakatuwang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

‘GomBurZa’ sa 2023 MMFF, isang pagkakataon ng ebanghelisasyon

 27,584 total views

 27,584 total views Hinikayat ng Jesuit Communications ang publiko na tangkilikin ang pelikulang GomBurZa na kabilang sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023. Ayon kay Jesuit Communications (JesCom) Executive Director at GomBurZa Executive Producer Fr.Nono Alfonso, SJ ang pagkakapabilang ng pelikula sa 49th MMFF ay isang pagkakataon upang maipamalas sa mas maraming manunuod ang mensahe ng

Read More »
Photo courtesy : Joy Delpalma Gallo
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Centennial jubilee celebration ng Carmelite sa Pilipinas, pinangunahan ng Papal Nuncio

 29,907 total views

 29,907 total views Pinangunahan ng kinatawan ng Santo Papa Francisco na si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang pagdiriwang ng banal na eukaristiya para sa 100 years of Carmelite Presence in the Philippines. Naganap ang solemn eucharistic celebration sa Jaro Metropolitan Cathedral and National Shrine of Our Lady of Candles kung saan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nakikiisa sa kapistahan ng Our Lady of Hope of Palo

 24,984 total views

 24,984 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa paggunita ng Arkidiyosesis ng Palo sa Kapistahan ng Our Lady of Hope of Palo kaalinsabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas. Ayon kay outgoing LAIKO National President Bro. Raymond Daniel Cruz Jr., ang kapistahan ng Nuestra

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

PJPS, nagpapasalamat sa tagumpay ng SOAP project

 23,343 total views

 23,343 total views Nagpahayag ng pasasalamat ang Philippine Jesuit Prison Service sa mga tumugon sa panawagan na magbahagi ng biyaya at pagkalinga sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) noong nakalipas na 36th Prison Awareness Week. Ayon kay Rev. Fr. Firmo “Jun-G” Bargayo Jr. SJ – executive director ng PJPS, dahil sa pagtutulungan ng mga may

Read More »

Latest Blogs