Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

SHARE THE TRUTH

 134,254 total views

Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito.

Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating pangulo ang kagustuhan niyang ihiwalay ang buong Mindanao. Nawalan na raw siya ng pag-asa. Maraming presidente na raw ang dumaan, pero walang nangyayari sa Pilipinas. Nalimutan yata niyang anim na taon din siyang naging presidente ng bansa at ang kauna-unahang taga-Mindanao na naupo sa pinakamataas na puwesto sa gobyerno. 

Isa sa mga nasa likod ng mungkahing ito ay ang grupong Mindanao Independence Movement. Kung magtatagumpay sila, tatawagin nilang Federal Republic of Mindanao (o FRM) ang teritoryong aalisin sa Pilipinas. Kukunin nila ang pagkilala ng Russia, China, at Turkey sa pagiging independent state ng FRM. At sino ang gusto nilang maging interim head of state? Si dating Pangulong Duterte. 

Kampante silang kayang bumukod ng Mindanao dahil sagana ang isla sa napakaraming likas-yaman. Noong 2022, 17% ng ating gross domestic product ay mula sa rehiyon. Doon din nanggagaling ang 80% ng ating pinya, kape, at saging. Mahigit kalahati ng ating produksyon ng niyog at mais ay mula sa Mindanao. Nakaimbak din sa mga kabundukan ng isla ang malalaking deposito ng ginto, nickel, at iba pang minerál.

Hindi sinang-ayunan ng ilang mambabatas ang ideya ni dating Pangulong Digong. Tutol dito ang dalawang senador mula sa Mindanao na sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senate Minority Floor leader Aquilino “Koko” Pimentel. Binigyang-diin ni Senador Zubiri na ang huling bagay na gusto nilang mangyari ay ang gawing magulo at hatî ang ating bansa. Umapela siya ng paghihinay-hinay sa mga nag-uumpugang puwersa sa pulitika dahil wala itong maidudulot na mabuti sa ating bansa at sa kabataan. Kung si Senador Pimentel naman ang tatanungin, ang kailangan natin ay magsikap na buuin ang ating nasyon bilang isang epektibo at gumaganang Estado.  

Maging ang Bangsamoro Transition Authority ay nagsabing walang basehan ang pagbabalik ng usapin tungkol sa paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Kapwa ang Moro Islamic Liberation Front (o MILF) at Moro National Liberation Front (o MNLF) ay matagal nang inabandona ang ideyang ito. Gaya naman ng sinasabi ng mga eksperto sa batas, kabilang si dating Senior Associate Justice Antonio Carpio, ang ideya ng paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas ay labag sa tinatawag na “territorial integrity” ng ating bansa. Ang integridad ng ating teritoryo ay malinaw na pinoprotektahan ng ating Konstitusyon. 

Masalimuot ang kasaysayan ng Mindanao, at para sa marami sa ating iba ang kontekstong ginagalawan, mahirap magbigay ng opinyon at saloobin sa kagustuhan ng mga kababayan natin doong itama ang kawalan ng hustisyang kanilang naranasan. Ngunit hindi sana ito samantalahin ng mga taong malinaw na may mga pansarili at makikitid na interes. Manaig sana ang ating pagmamahal sa ating bayan. Minsan ngang sinabi ni Pope John Paul II, ang pag-ibig sa ating Inang Bayan ay ang dapat na nagbubuklod sa mga bumubuo ng isang bansa sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba-iba. Kung ito ang iiral sa ating bayan, sama-sama tayong kikilos at sama-sama rin tayong uunlad—walang maiiwan, walang mapababayaan.

Mga Kapanalig, malaking hamon pa rin sa ating mga Pilipino ang makitang bahagi tayo ng isang bayan. Hindi ito dahil sa ating magkakaibang wika, kultura, at pananampalataya. Hindi natin ito makamit dahil hinahayaan natin ang mga pwersang nag-aagawan sa kapangyarihan na unahin ang kanilang kapakanan sa halip na gabayan tayo. Mababasa nga natin sa Mga Kawikaan 11:14, “Sa kakulangan ng paggabay, ang bansa ay bumabagsak.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 36,002 total views

 36,002 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 41,420 total views

 41,420 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 48,127 total views

 48,127 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 62,921 total views

 62,921 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 69,077 total views

 69,077 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 36,003 total views

 36,003 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 41,421 total views

 41,421 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 48,128 total views

 48,128 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 62,922 total views

 62,922 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 69,078 total views

 69,078 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,711 total views

 40,711 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,295 total views

 51,295 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,512 total views

 59,512 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,745 total views

 43,745 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,721 total views

 49,721 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,814 total views

 52,814 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,519 total views

 42,519 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,407 total views

 43,407 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,710 total views

 58,710 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 71,119 total views

 71,119 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top