667 total views
March 9, 2020 3:22PM
Hindi lamang ang pamahalaan at mga partikular na kagawaran ang dapat na gumawa ng hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng publiko mula sa pinangangambahang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 sa bansa.
Ito ang inihayag ni CBCP — Episcopal Commission on Health Care (ECHC) Vice Chairman Bishop Oscar Florencio kaugnay sa pagtataas ng alerto bunsod ng kumpirmasyon sa sampung na kaso ng COVID 19 sa bansa.
Ayon sa Obispo, bukod sa tungkulin ng pamahalaan na tiyakin ang kapakanan at kaligtasan ng publiko ay dapat ring magkaroon ng sariling pamamaraan ang bawat isa upang maprotektahan ang sarili at pamilya mula sa COVID 19.
“The government they have to be decisive, of course it has to be done again all together with everyone, hindi lamang yung isang tao ang magdi-decide. We have to help out because this is also involving all of us…”pahayag ni Bishop Florencio sa panayam sa Radyo Veritas.
Unang kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng local transmission ng Coronavirus Disease 2019 sa Pilipinas.
Kasunod nito idineklara na ng kagawaran ang Code Red sublevel 1 na nag-aatas sa mga probado at pampublikong ospital na maging alerto sa posibilidad na dumami pa ang kaso ng COVID 19 sa bansa.
Samantala, patuloy naman ang panawagan ng Simbahan sa publiko upang sumunod sa mga payo ng mga eksperto at pananalangin ng Oratio Imperata upang makahanap na ng lunas sa sakit at mawakasan na ang pagkalat ng COVID 19.
Read: https://www.veritas846.ph/fold-our-hands-in-prayer-against-covid-19/
https://www.veritas846.ph/covid-19-malulupig-ng-sama-samang-pagdarasal-at-pag-iingat/
https://www.veritas846.ph/hingin-ang-tulong-ni-san-roque-laban-sa-covid-19/