Fold our hands in prayer against COVID-19.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 695 total reads

March 9, 2020 3:03PM

Pinaalalahanan ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na bukod sa paghuhugas ng kamay ay pinakamabisang paraan sa pag-iwas sa corona virus disease 2019 ang pagdadaup palad sa pananalangin sa Diyos.

Binigyang diin ni Bishop Santos na sa panahong malaking banta sa kalusugan ng mamamayan ang COVID 19, dapat palakasin ang pananalig sa Panginoon na pinagmumulan ng mga biyaya partikular ang buhay ng tao.

“Simple yet practical, easy yet effective way to prevent Coronavirus is our hand, always fold your hands in prayer. Turn to God, and trust Him; God is always in control of everything.”pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Santos na dapat manatiling malusog ang pangangatawan ng bawat isa at panatilihin ang kalinisan ng katawan.
Ipinayo naman ng Obispo na iwasan ang pakikipagkamay, paghalik sa kamay, magtakip ng panyo kung nababahing at nauubo lalo’t naisasalin ang virus sa pamamagitan ng talsik ng laway at sa halip yumukod lamang bilang paggalang sa kapwa.

Sa mga panuntunang inilabas ng CBCP hinimok din nito ang mananampalataya na iwasan ang paghahawak kamay sa Ama Namin at pagbibigay ng kapayapaan upang makaiwas sa pagkakahawa-hawa alinsunod na rin sa kautusan ng Department of Health.

Sa tala ng World Health Organisation mahigit tatlong libo na ang nasawi dahil sa COVID 19 na karamihan ay mula sa China ang pinagmulan ng virus habang higit sa isandaang libo naman ang infected kabilang na ang sampung positibong kaso sa Pilipinas kung kinumpirma rin ng DOH ang kaso ng local transmission.

Payo ni Bishop Santos sa mananampalataya na kasabay ng ibayong pag-iingat ang higit na pananalig sa Diyos.

“Hand in everything to God, hold unto Him,” giit ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 118,561 total reads

 118,561 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 256,093 total reads

 256,093 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 371,869 total reads

 371,869 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 487,570 total reads

 487,570 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top