Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Adiksyon sa kapangyarihan

SHARE THE TRUTH

 161 total views

Mga Kapanalig, sa gitna ng ating pagkabahala sa patuloy na banta ng COVID-19, sa pagsisimula ng panahon ng tag-init na magbubunga ng kakulangan sa tubig, at sa pagtindi ng katiwaliang bunsod ng pagpasok ng mga dayuhan sa ating bansa, heto at abala ang ating mga lingkod-bayan sa Kamara de Representante sa pag-aagawan sa kapangyarihan at pamumulitika.

Lumutang noong huling linggo ng Pebrero ang usap-usapang may nilulutong kudeta ang ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang patalsikin ang kasalukuyang speaker na si Taguig Cong. Alan Peter Cayetano. Hinihimok daw ng mga mambabatas na ito ang kanilang kapwa mambabatas na suportahan si Marinduque Congressman Lord Allan Velasco na inaasahang papalit kay Cong. Cayetano sang-ayon na rin sa napagkasunduan nilang term sharing na magsisimula sa Oktubre ngayong taon.

May basbas ni Pangulong Duterte ang hatian sa termino ng dalawang kongresista upang mapagbigyan ang mga nagbabanggaang paksyon sa loob ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ngunit nais umano ng kampo ni Cong. Velasco na gawing mas maaga ang kanyang pag-upo dahil nangangamba silang hindi tutuparin ni Cong. Cayetano ang term sharing lalo pa’t mataas ang approval rating niya sa isang survey.

Nakalulungkot na ito ang pinagkakaabalahan ng ating mga kongresista. Kahit sabihin nilang inaasikaso naman nila ang paggawa ng mga batas, kaliwa’t kanan naman ang paglabas nila sa TV at pagpapa-interbyu sa radyo upang ipagtanggol ang kanilang sarili. Sinasamantala naman ito ng media na mistulang ginagatungan ang isyu at iniintriga ang mga sangkot na pulitiko sa halip na maging instrumento ng publiko upang tiyaking nagtatrabaho ang ating mga kagalang-galang na mga mambabatas. Sa ganitong sitwasyon, taumbayan ang talo.

Sa isang mensahe noong isang taon, binigyang-diin ni Pope Francis ang halaga ng pulitika sa pagtatatag ng ating lipunan at ng mga institusyon. Ngunit, paliwanag niya, kung hindi nakikita ang pulitika bilang isang uri ng paglilingkod sa lipunan, maaari itong maging paraan ng pagmamalupit, pagsasantabi, at pagkawasak. Aniya, “…the thirst for power at any price leads to abuses and injustice.” Ang pagkauhaw sa kapangyarihan at pagkamit nito anuman ang maging bunga nito ay magdudulot ng pang-aabuso at kawalang-katarungan.

Isa itong katotohanang alam ng mga namumuno sa ating pamahalaan, ngunit dahil walang pakialam ang taumbayan at tikom ang kanilang bibig sa gulong nililikha ng mga pulitikong kapit-tuko sa kapangyarihan, patuloy lamang ang ating mga makasariling lider sa kanilang pamumulitika—at kitang-kita natin ito sa isyu ng umano’y kudeta sa ating Kamara de Representante.

Akma ang winika ni Hesus sa Marcos 9:35 bilang paalala sa ating mga kasalukuyang lider: “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.” At sino ang mga dapat paglingkuran ng ating mga lider? Nariyan ang 17.6 milyong Pilipinong itinuturing na mahirap gamit ang opisyal na sukatan ng kahirapan noong 2018. Sa taon ding iyon, tinatayang nasa tatlong milyong pamilya ang mahirap; 800,000 sa mga ito ang walang kakayanang makabili ng pagkain.

Tunay na paglilingkod din ang nararapat para sa mga kababayan nating hindi pa rin nakababalik sa kanilang mga tahanan dahil sa mga kalamidad katulad ng pagsabog ng Bulkang Taal; sa huling tala ng DSWD, hindi baba sa 1,000 pamilya ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers, habang mahigit 35,000 pamilya ang nakikitira sa kanilang mga kaanak at kaibigan. Sa Mindanao naman, mahigit 33,000 na kababayan natin ang napilitang lisanin ang kanilang tahanan upang takasan ang labanan ng mga sundalo at mga armadong grupo o kaya naman ay dahil nasira ang kanilang mga bahay dahil sa sunud-sunod na lindol noong isang taon.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 29,979 total views

 29,979 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 37,460 total views

 37,460 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 50,600 total views

 50,600 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 56,573 total views

 56,573 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 62,326 total views

 62,326 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 29,980 total views

 29,980 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 37,461 total views

 37,461 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 50,601 total views

 50,601 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 56,574 total views

 56,574 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 62,327 total views

 62,327 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 42,223 total views

 42,223 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 43,307 total views

 43,307 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,688 total views

 38,688 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,692 total views

 50,692 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,734 total views

 58,734 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 50,291 total views

 50,291 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,716 total views

 48,716 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,502 total views

 50,502 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,427 total views

 47,427 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,741 total views

 61,741 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top