Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkakaisa, lunas sa pagkakanya-kanya

SHARE THE TRUTH

 53,038 total views

Mga Kapanalig, kasabay ng pagkakaluklok muli sa puwesto ni US President Donald Trump ang paglagda niya sa isang executive order (o EO) na pansamantalang inihihinto ang lahat ng foreign aid ng Estados Unidos. Layunin ng EO na pag-aralan ang lahat ng foreign aid at siguruhing isinusulong ng mga ito ang interes ng mga Amerikano. Gayunpaman, nagdulot ito ng kaguluhan sa mga development projects sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang Pilipinas. Ilan sa mga proyektong ito ay natigil.

Pinakamalaking foreign aid donor ang Estados Unidos. Pinopondohan nila ang iba’t ibang proyektong tumutugon sa kahirapan, nagpapabuti sa edukasyon, nangangalaga sa kalikasan, at nagpapanatili ng kapayapaan. Noong 2023, nakapagbigay ang Estados Unidos ng 72 bilyong dolyar sa 209 na bansa. Noong nakaraang taon naman, nasa 41 bilyong dolyar ang ibinigay nito sa 206 na bansa. 

Pangunahing dinadaanan ng foreign aid ng Amerika ang United States Agency for International Development (o USAID). Mula nang itinatag ang USAID noong 1961, aktibo na nitong partner ang ating bansa. Una nating pinagtulungan ang imprastraktura, pagkakaroon ng kuryente sa kanayunan, at mga pag-aaral sa agrikultura at kalusugan. Noong dekada ‘80 hanggang dekada ‘90, tinutukan ng USAID ang pagpapalakas sa civil society groups sa bansa, pagtataguyod sa pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala, pagpapatupad ng Local Government Code of 1991, at pagpapatupad ng mga proyekto sa edukasyon at kalusugan. Nitong mga nakaraang taon, nakatutok ang USAID sa pagpapatatag sa ating ekonomiya, demokratikong pamamahala, at proteksyon sa kalikasan. Mula 1961, tinatayang nasa limang bilyong dolyar na ang naibigay nito sa Pilipinas.

Dahil sa EO ni US President Trump, nahinto ang mga proyekto ng USAID sa bansa katulad ng Fish Right, na layuning ayusin ang pamamahala at protektahan ang ating mga pangisdaan. Nariyan din ang YouthWorks PH na sinasanay ang kabataan upang tulungan silang magkaroon ng hanapbuhay. Ang proyektong EpicHIV naman ay kumikilos upang pigilan ang pagkalat ng HIV sa bansa at nagbibigay ng serbisyo sa mga tinamaan nito. 

Wala raw tayong dapat ipag-alala, ayon sa ating pamahalaan. Marami raw ibang donors at partners ang Pilipinas. Gayunpaman, hindi maiwasang mag-alala ng mga development partners ng USAID—mula sa mga civil society groups at mga benepisyaryong umaasa sa mga proyekto nila.  

Sinasabi sa 1 Corinto 12:26, “Kapag naghihirap ang isang bahagi, lahat ay naghihirap na kasama niya.” Iisa tayong katawan, paalala ni San Pablo, kaya mahalaga ang sama-samang pagkilos para makamit ang kaunlaran at kagalingan ng bawat bahagi ng katawan. Binibigyang-diin din sa mga panlipunang turo ng Simbahan na ang solusyon sa mga problemang pangkaunlaran ay nakasalalay sa pagtutulungan at pagkakaisa. Ang kaunlaran ay hindi lamang isang hangarin; isa rin itong karapatang may kaakibat na tungkulin.  

Ayon sa Catholic social teaching na Sollicitudo Rei Socialis, “Collaboration in the development of the whole person and of every human being is in fact a duty of all towards all, and must be shared by the four parts of the world: East and West, North and South.” Kung kabaliktaran ang mangyayari, isang bahagi lamang ng mundo ang umuunlad; mas masama pa kung nakakamit nila ang kaunlarang ito nang inaabuso at iniisahan ang ibang bansa. Sa madaling salita, hindi tunay na kaunlaran ang bunga ng pagkakanya-kanya, lalo na kung isinasantabi nito ang iba. 

Mga Kapanalig, hindi natin makokontrol ang hakbang ng Estados Unidos, ngunit pagnilayan natin ang epekto ng pansamantalang paghinto ng kanilang foreign aid. Sasaluhin kaya ng ating pamahalaan ang mga proyekto at ang mga benepisyaryo? Bilang mga tagasunod ni Kristo, mahalagang maging maláy tayo sa kalagayan ng ating kapwa at tumulong sa abot ng ating makakaya. Ang pakikipagkaisa ay hindi lamang isang mithiin; lunas ito sa pagkakanya-kanya. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Hindi biro ang karahasan at kapansanan

 8,635 total views

 8,635 total views Mga Kapanalig, umani ng batikos si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa kanyang insensitibong komento sa itsura ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña. Kasama si Reprepresentaive Cendaña sa grupong nag-endorso ng unang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte. Kilala namang malapít na kaalyado ng mga Duterte si Senador Bato. Kinutya ng

Read More »

Para sa mga isinasantabi at hindi napakikinggan

 16,469 total views

 16,469 total views Mga Kapanalig, bilang mga mananampalataya, tayo ay inuudyukang “ipagtanggol… ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan… at igawad ang katarungan sa api at mahirap,” gaya ng sabi sa Mga Kawikaan 31:8-9.  Ano ang itsura nito sa araw-araw?  Makikita ito sa mga estudyanteng pinoprotektahan ang kanilang kaklase mula sa mga bully, sa mga

Read More »

May katarungan ang batas

 20,424 total views

 20,424 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »

Filipino Voters

 34,932 total views

 34,932 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 41,049 total views

 41,049 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi biro ang karahasan at kapansanan

 8,636 total views

 8,636 total views Mga Kapanalig, umani ng batikos si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa kanyang insensitibong komento sa itsura ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña. Kasama si Reprepresentaive Cendaña sa grupong nag-endorso ng unang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte. Kilala namang malapít na kaalyado ng mga Duterte si Senador Bato. Kinutya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa mga isinasantabi at hindi napakikinggan

 16,470 total views

 16,470 total views Mga Kapanalig, bilang mga mananampalataya, tayo ay inuudyukang “ipagtanggol… ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan… at igawad ang katarungan sa api at mahirap,” gaya ng sabi sa Mga Kawikaan 31:8-9.  Ano ang itsura nito sa araw-araw?  Makikita ito sa mga estudyanteng pinoprotektahan ang kanilang kaklase mula sa mga bully, sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

May katarungan ang batas

 20,425 total views

 20,425 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Filipino Voters

 34,933 total views

 34,933 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 41,050 total views

 41,050 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disinformation At Polarization

 43,255 total views

 43,255 total views The dangers of new communication technologies. Sa paggunita ng ika-59 World Communications day, pinuna ni Pope Francis ang “era of disinformation and polarization”. Pinuna ng Santo Papa ang mga makapangyarihang social networks na nagdudulot lamang ng “fanaticism at hatred”. Bilang pagkilala sa mga mamamahayag, nauunawaan ng Santo Papa ang hirap, sakripisyo at responsibilidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkamamamayang for sale?

 50,275 total views

 50,275 total views Mga Kapanalig, ano nga ba ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino? Sa isang bill na inihain ni Congressman Joey Salceda para bigyan ng Filipino citizenship ang negosyanteng Tsino na nagngangalang Li Duan Wang, sinabi niyang taglay ng dayuhan ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino: mapagmahal, mapagbigay, magalang, mabuti, matapat, nagsusumikap, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kampanya na!

 45,300 total views

 45,300 total views Mga Kapanalig, nagsisimula ngayong araw, ika-11 ng Pebrero, ang campaign period para sa mga kandidatong tumatakbo para mga pambansang posisyon. Sinong mag-aakalang may opisyal na campaign period pala? Malayung-malayo pa ang eleksyon, kaliwa’t kanan na ang mga patalastas sa TV, radyo, diyaryo, at maging sa social media ng mga pulitiko. Tadtad ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Simbahang nakikilahok

 47,602 total views

 47,602 total views Mga Kapanalig, noong huling araw ng Enero, iba’t ibang grupo ang nagkasá ng kilos-protesta para protektahan ang pondo ng bayan. Pangunahing panawagan nila ang pagbibigay-linaw ng administrasyon sa ipinasá nitong budget para ngayong taon. Ikinababahala kasi ng mga grupong ito na baka magamit ang pera ng bayan para sa mga proyektong gagatasan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bible Mahalaga Sa Pagbuo Ng Isang Batas

 47,125 total views

 47,125 total views KAPANALIG, nalalapit na naman ang 2025 Midterm national at local elections… Lumabas sa pag-aaral ng PEW Research Center na mayorya sa mga Filipino ang nagpahayag na malaki ang papel ng bibliya(bible) sa pagbuo ng national law sa PIlipinas. Sa survey ng PEW, 51-porsiyento ng mga Filipino ang naniniwalang malaki ang impluwensiya ng “Bible”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Budgetary Banditry

 51,762 total views

 51,762 total views Kapanalig, ang “banditry” isang uri ng organized crime na ginawa ng mga “outlaws” o sa madaling salita ay criminal. Bakit ginamit ang “budgetary banditry” sa 2025 General Approrpiations Act (GAA)? Bakit, itinuturing na “outlaws” ang mga mambabatas na nagpasa ng 2025 General Appropriations Act at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang lalagda sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang online hukuman

 54,521 total views

 54,521 total views Mga Kapanalig, noong katapusan ng Enero, nag-viral ang isang Facebook post kung saan inakusahan ng sexual harassment ang isang driver ng isang TNVS o transportation network vehicle service. Ikinuwento ng nag-post, na isang estudyante, na kinailangan nilang bumabâ ng kapatid niya sa kalagitnaan ng biyahe nila pauwi, dahil sa kalaswaang ginawa diumano ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan para sa katarungan

 61,618 total views

 61,618 total views Mga Kapanalig, hinahamon tayo ng Diyos na pairalin ang katarungan sa ating bayan.  Ayon sa Jeremias 22:3, “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala.” Para sa Diyos, ang pananagutan natin sa isa’t isa ang magiging daan upang mabuhay tayo sa katarungan. Isang halimbawa ng paraan natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pag-uusap, hindi pananakot

 71,318 total views

 71,318 total views Mga Kapanalig, sa pagitan ng mga taóng 2021 at 2022, tumaas ng 35% ang bilang ng mga babaeng edad 15 pababa na nabuntis. Base ito sa datos na nakalap ng NGO na Save the Children. Ang mga taóng ito ang kasagsagan ng pandemya.  Lubhang nakababahala ito.  Hindi handa ang katawan ng isang batang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Araw-araw na kalupitan

 67,972 total views

 67,972 total views Mga Kapanalig, noong Disyembre pa nang makunan ang nag-viral na video kamakailan kung saan makikitang hinablot ng security guard ng isang mall ang panindang sampaguita ng isang babae. Tila inambahan pang saktan ng guwardya ang babae nang umalma siya. Napukaw ang interes ng publiko sa nangyaring ito. Inalam ng media at ng DSWD

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top