Pagkakaisa at pagtutulungan, apela ng Simbahan matapos ang madugong pagbobomba sa Davao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 433 total reads

Nagpaabot ang mga Obispo ng Simbahang Katolika ng pakikiisa sa panahon ng kalungkutan at pagluluksa ng pamilya ng mga nasawi sa madugong pagsabog sa Davao City na ikinasawi ng 14-katao at ikinasugat ng 68-iba pa.

Inihayag ni dating CBCP President Cebu Archbishop Jose Palma ang kalungkutan sa nangyaring trahedya.

Hinimok naman ni Archbishop Palma ang lahat na sikaping magbago hindi sa pamamagitan ng paggawa ng karahasan kundi sa pamamaraang pagtutulungan at pagmamahal sa kapwa.

“Napaka-malungkot yung nangyari na bombing sa Davao. Sa mga pamilya ng mga nasawi ay yung aming pakikiisa sa panahon ng luksa at mga kalungkutan. Ito ay panahon ng ating malaking luksa at sana nga po bigyan tayo ng lakas na ma-face ang reality of death. Sana nga po sa mga kapatid din natin na gumawa nito, alam po natin na kahit anong anggulo tingnan hindi talaga tama. Sana hindi na maulit yung ganitong pangyayari sa ating lahat, lahat po tayo na mga Filipino. Lahat po tayo sana ipakita natin na kaya din natin yung pagbabago hindi sa ganitong pamamaraan pero sa ating pagsisikap at sa ating pagtutulungan sa kapwa,” mensahe ni Archbishop Palma.

Sa kabila ng trahedya, hinimok ni Basilan Bishop Martin Jumoad ang lahat ng Pilipino na patuloy na magkaisa at sama-samang pagsikapan na maabot ang hinahangad na kapayapaan sa bansa.

“I am really in pain of what happened in Davao, I pray for all the victims particularly those who died, May their soul rest in peace. We continue to work together collaborate, because it is only in working together that we can attain our goal of peace in our country, God Bless,” pahayag ni Bishop Jumoad sa Radio Veritas.

Ipinagdarasal naman ni Iligan Bishop Elenito Galido sa panginoon na maghari ang kapayapaan at katarungan sa madugong pagpapasabog.

Ipinaabot din ni Bishop Galido ang pakikidalamhati sa nararanasang pain at suffering ng mga kaanak ng mga nasawi sa trahdeya.

“Nakikiramay kami dun sa mga nasawi at para sa mga taong nasa hospital ngayon, we are one in their pain and suffering. We pray for peace and justice na sana maresolba yung bombing na nangyari”, mensahe ni Bishop Galido.

Umaasa si Bishop Galido na madakip at maiharap sa korte ang nasa likod ng pagpapasabog.

“Lalo na yung sa peace and order ay talagang ma-address. Yung mga gumawa noon(bombing) kailangan madala sa korte,” pahayag ng Obispo.

Hinimok naman ni Bishop Galido ang mga Filipino na huwag matakot lalo na sa mga ipinalabas na travel advisory ng iba’t-ibang embahada sa Mindanao.

“Ngayon ay may travel advisory para sa Mindanao, pero hindi kayo kailangang matakot kase naka-full alert ngayon at may mga checkpoints.

More safe here because of strict security measures na ipinapatupad in and out,” pahayag ni Bishop Galido.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 51,602 total reads

 51,602 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 88,618 total reads

 88,618 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 123,917 total reads

 123,917 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 350,187 total reads

 350,187 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 240,632 total reads

 240,632 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 294,169 total reads

 294,169 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 406,603 total reads

 406,603 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top