784 total views
Ito ang mensahe ng katatapos na European Union (EU) Cultural Symposium: European Literature in Focus
na ginanap sa University of Sto. Tomas o UST.
Ayon kay EU Ambassador Franz Jessen, ang pagsusulat ay may kapangyarihang pag-isahin ang puso at damdamin ng iba’t-ibang bansa sa pamamagitan ng mga titik at salita.
Nagbahagi ng kanilang kaalaman sa symposium sina National Artist for Literature Francisco Sionil Jose, Ambassador of Czech Republic to the Philippines Jaroslav Olsa Jr. at Hungary Ambassador Josef Bencze
na parehong may-akda ng mga libro sa larangan ng literatura.
Itinuturing ni UST Secretary General Rev. Father Jesus Miranda Jr. na isang magandang pagkakataon ang ginanap na literary forum para sa mga writing priest ng Simbahan upang mas pag-alabin ang kanilang dedikasyon sa pagsusulat at makakuha ng bagong istratehiya mula sa mga eksperto.
“[This event will help them] when it comes to style, when it comes to sources. You cannot just write without being influenced with other literature and so when we write we should be able to aware of that. This event would tell us that there are European resources that you can make as references in what you write because we cannot just write on our own,” pahayag ni Father Miranda.
Naunang ipinakita ni Pope Francis ang kanyang pagmamahal sa literarura sa pamamagitan ng paglilimbag ng mga libro kabilang na ang Laudato Si at Amoris Laetitia na nag-iwan ng marka sa puso ng bawat mananampalataya.