201 total views
Kinakailangan munang pag-aralan ang lahat ng mga aspekto sa “emergency powers” na hinihiling ni Pangulong Rodrigo Duterte upang masolusyunan ang matinding suliranin ng trapiko sa bansa.
Ayon kay Catanduanes Representative Cesar Sarmiento, dapat na masusing mapag-aralan ang lahat ng mga hakbang upang masolusyunan ang krisis sa matinding sikip ng daloy ng trapiko partikular na sa kalakhang Maynila na malaki ang epekto sa mga mamamayan at ekonomiya ng bansa.
“Well definitely there’s a crisis and we really have to address with this patch yung problema because everyone is affected so pero talagang pag-aaralan ng mabuti kung anong dapat gawin. Well, we are thankful na we have a President na talagang who wants action na talagang gustong i-address…”pahayag ni Sarmiento sa panayam sa Radio Veritas.
Unang hiniling ng Pangulong Duterte sa kanyang SONA sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso para tuluyang maresolba ang problema sa trapiko sa bansa partikular na sa kalakhang Maynila at Metro Cebu.
Samantala, batay sa pag-aaral ng National Economic and Development Authority, tinatayang nasa 2.4 na bilyong piso ang nawawalang kita sa bansa kada araw, bunsod ng matinding trapiko sa mga lansangan, dahil na rin sa nasasayang na gasolina, kuryente at pagkaantala sa trabaho ng mga manggagawa.
Kaugnay nga nito ang Laborem Exercens ay inakda ni St. John Paul II noong 1981 ay tumutukoy sa pagtaas ng paggamit ng teknolohiya nang hindi dapat isaalang-alang ang mga manggagawa at ang pangangalaga sa kapaligiran.