CPP-NPA-NDF, nararapat magdeklara ng unilateral ceasefire

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 357 total views

Nararapat magdeklara ng tigil putukan ang kampo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) upang maging tunay na makabuluhan ang pagsisimula ng peace talks.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity, magkakaroon lamang ng positibong resulta ang negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at komunistang grupo kung makakapag-usap at tunay na makikipagtulungan ang magkabilang kampo at dadaanin sa payapa ang proseso.

“Inaantay natin ang sagot ng CPP-NPA, ano yung kanilang response sa Unilateral na pag-Ceasefire ng gobyerno, sana maging generous din ang kanilang response mag-response sila para at least hindi na magkaroon ng away habang nag-ne-negotiation sila, mag-ceasefire din sila para mas maging maayos ang kanilang dialogue…”pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Matapos bawiin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang unang idineklarang “unilateral ceasefire” dahil sa labanan sa pagitan ng grupong New People’s Army at AFP-Civilian Auxiliary sa Davao del Norte, inaasahang ipagpapatuloy pa rin ng pamahalaan ang nakatakdang peace talks sa ika-20 ng Agosto sa Oslo, Norway kung saan inaasahan na rin ang pagdideklara ng NDF ng Unilateral Ceasefire.

Bukod sa tigil putukan, inaasahan rin ang pagpapalaya sa mga political prisoners na batay sa tala ng Karapatan (Alliance for the Advancement of People’s Rights) mula sa pinakahuling tala noong ika-31 ng Mayo ay 297 mula sa 509 na political prisoners ang ilegal na inaresto sa ilalim ng Administrasyong Aquino.

Sa nasabing bilang, 18 ang naitalang mga peace consultants ng NDFP, 88 ang may karamdaman, 48 naman ang mga matatanda habang tinatayang nasa 74 na mga detainees naman sa buong bansa ay nananatiling walang hatol sa loob ng higit na 10-taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 36,489 total views

 36,489 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 160,900 total views

 160,900 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 203,561 total views

 203,561 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 282,271 total views

 282,271 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 1,316 total views

 1,316 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top