Pagkamatay ng isang madre, nilinaw ng St.Therese of the Child Jesus parish

SHARE THE TRUTH

 2,821 total views

Naglabas ng pahayag ang St. Therese of the Child Jesus Parish sa Talisay, Lipa City, Batangas, upang linawin ang kumakalat na balita kaugnay ng pagpanaw ng isang madre sa lungsod.

Inanunsyo ng parokya ang biglaang pagpanaw ni Sr. Rita Rama, na kasapi ng Blessed Sacrament Missionaries of Charity, na natagpuang walang buhay noong June 27, 2025, sa inuupahang apartment sa Lipa City.

Batay sa imbestigasyon ng Lipa City Police at Scene of the Crime Operatives (SOCO) at sa isinagawang autopsy, ang sanhi ng pagpanaw ng madre ay myocardial infarction o atake sa puso.

Nilinaw ng parokya na walang nakitang ebidensya ng karahasan o pang-aabusong sekswal, taliwas sa mga kumakalat na ulat na natagpuang nakahandusay ang madre, walang saplot, at may bakas ng dugo sa maselang bahagi ng katawan.

“No evidence of foul play or sexual assault was found. Cremation immediately followed after the autopsy because her body was found in the state of advanced decay,” ayon sa pahayag ng parokya.

Si Sr. Rama ang nangasiwa sa dalawang mission communities sa Dagatan Creek at Paanan ng Bundok sa Barangay Talisay, kung saan tumulong siya sa espiritwal at materyal na pangangailangan ng mga residente.

Kabilang sa kanyang mga nagawa ang pagpapatayo ng mahigit 40 bahay para sa mga pamilyang kapus-palad sa Dagatan Creek.

Nagsilbi rin si Sr. Rama bilang “prayer cathecist” na nagtuturo ng mga panalangin sa mga pampublikong paaralan.

Kasalukuyang inaayos ng pamilya at ng mga kasama sa kongregasyon ang mga detalye ng burol at libing ni Sr. Rama, habang ang kanya namang mga abo ay pansamantlang nakalagak sa San Fernando Funeral Homes, Lipa City.

Para naman sa karagdagang legal na katanungan, maaaring makipag-ugnayan kay Ms. Marietta H. Fayre, ang Public Information Officer ng parokya, sa numerong 0917-504-7223.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GAME OF CHANCE

 34,685 total views

 34,685 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 50,236 total views

 50,236 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 63,598 total views

 63,598 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 78,104 total views

 78,104 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 95,493 total views

 95,493 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mga layko, pinasasalamatan ng simbahan

 15,479 total views

 15,479 total views Ipinaabot ni Rev. Fr. Gregory Gaston – rector ng Pontificio Collegio Filippino ang pasasalamat ng Simbahan sa mga layko. Ayon sa Pari na

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top