Pagkamatay ng ISIS-Maute leader, hudyat ng kapayapaan sa Marawi.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 786 total reads

Welcome development para kay Marawi Bishop Edwin Dela Peña ang ulat hinggil sa pagkamatay nina Isnilon Hapilon at Omar Maute sa patuloy na digmaan sa Marawi City.

Ito ang mensahe ng Obispo, matapos na mabatid ang pagkamatay ng dalawang lider ng mga terorista na inaasahang magtatapos ng labanan na umaabot na sa higit limang buwan.

“Secretary Lorenzana just did the confirmation of the death of the two top leaders of the Marawi siege. Crumbling leadership signals the beginning of the end,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Bishop Dela Peña.

Una na ring nagpahayag ang Obispo na hindi pa ganap ang kanilang kagalakan lalu’t hindi pa natatapos ang digmaan at dalawa pa sa manggagawa ng St. Mary’s Cathedral ang nanatiling hawak ng mga bandido.

Noong Mayo, anim na manggagawa ng cathedral kasama ang Vicar General na si Fr. Chito Suganob ang tinangay ng Maute group nang lusubin at sunugin ang simbahan.

Umaasa din ang Obispo na matatapos na ang digmaan upang masimulan na ang rehabiltasyon ng lungsod at makabalik na rin ang mga nagsilikas sa kanilang tahanan.

Naniniwala rin si Bishop Dela Peña na ang digmaan at kaguluhan ang isa sa dahilan kung bakit maraming lugar sa Mindanao region ang nanatiling mahirap.

Base sa 2015 report, kabilang sa 10 pinakamahihirap na lalawigan sa bansa ay mula sa Mindanao Region, nangunguna dito ang Lanao Del Sur na matatagpuan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 127,107 total reads

 127,107 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 264,068 total reads

 264,068 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 379,843 total reads

 379,843 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 495,052 total reads

 495,052 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top