Pagkamatay ni Hesus sa krus, patunay ng kanyang walang hanggang pagmamahal sa sangkatauhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 315 total views

Hinimok ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga mananampalataya na magnilay sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa gitna ng paggunita ng Semana Santa.

Sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Mahal na Araw ay binigyang-diin ng Obispo na ang Krus ay pinakamalinaw na tanda ng pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan.

“We look to Calvary as the ultimate testament of God’s love. The Cross is the definitive proof of how much we are valued,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Ayon kay Bishop Bagaforo, sa pamamagitan ng pagtubos ni Hesukristo, ipinakita ng Diyos na ang Kanyang pag-ibig ay walang hanggan at higit sa anumang paghihirap na nararanasan ng tao.

Paliwanag ng Obispo, hindi dapat na mawalan ng pag-asa ang sangkatauhan sa biyayang hatid ng Panginoon sa buhay ng bawat isa.

“This is the hope we cling to when life feels heavy: His love is infinitely greater than our despair,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Ipinaalala rin ni Bishop Bagaforo na sa kabila ng mga sugat at pagkawasak na nararanasan ng tao, may bagong simula na inihahandog ang Diyos sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay ni Kristo.

“Where we see brokenness, God sees a masterpiece in the making. Where we see an end, God provides a new beginning through the Resurrection,” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Samantala, hinikayat din ng Obispo ang lahat na buksan ang puso sa mapagbago at mapagpalayang pag-ibig ng Diyos.

“May we leave behind our burdens and walk forward, renewed by the mercy that flows from the Cross,” Panawagan ni Bishop Bagaforo.

Una nang binigyang diin ng Simbahan na ang Semana Santa ay hindi lamang isang pagkakataon upang makapagbalik loob ang lahat sa Panginoon sa halip ay isang pagkakataon din upang mapagnilayan ang landas ng serbisyo sa Diyos at maging sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 1,892 total views

 1,892 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 1,892 total views

 1,892 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 1,892 total views

 1,892 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 1,846 total views

 1,846 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 1,664 total views

 1,664 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top