VeritasPH

The Word, The Truth

Pagkilala at pagkalinga sa mga foundlings

SHARE THE TRUTH

 274 total views

Mga Kapanalig, bago matapos ang administrasyon ni Pangulong Duterte, isang magandang batas para sa mga batang Pilipino ang naipasa. Ito ang Republic Act No. 11767 o ang Foundling Recognition and Protection Act.

Bakit mahalaga ang batas na ito?

Sa ilalim ng bagong batas na ito, kikilalanin bilang natural-born Filipino ang isang foundling o sanggol na inabandona sa loob ng ating bansa o maging sa mga embahada ng Pilipinas sa ibang bansa, anuman ang sitwasyon o kundisyon kung saan siya ipinanganak. Samakatuwid ang bawat foundling ay mayroong mga karapatan at pagkakalooban ng proteksyon bilang mamamayan ng Pilipinas mula sa kanyang pagkasilang. Hindi na kailangang patunayan pang siya ay Pilipino. Tandaan nating ang pagkamamamayan o citizenship sa ating bansa ay sumusunod sa prinsipyo na kung tawagin ay jus sanguinis. Ibig sabihin, Pilipino ang isang indibidwal kung ang isa sa kanyang mga magulang o kung kapwa ang kanyang nanay at tatay ay Pilipino, saan mang bansa siya isinilang. Bago naipasa ang Foundling Recognition and Protection Act, hindi kinikilalang mamamayan ng Pilipinas ang isang foundling na hindi tukoy ang pagkakakilanlan at nasyonalidad ng kanyang mga magulang.

Noong 2021, nagpropseso ang Philippine Statistics Authrouty (o PSA) ng mahigit 6,000 certificates of foundlings. Ayon naman sa Department of Social Welfare and Development (o DSWD), halos 1,500 foundlings ang maaaring ampunin o for legal adoption mula 2009 hanggang 2021. Hindi kakaunti ang mga foundlings. Sabi nga ni Senadora Risa Hontiveros, isa sa mga may-akda ng Foundling Recognition and Protection Act, isinusulong ng batas ang tinatawag na best interest of the child o ang pinakamabuti para sa bata. Aniya, sa matagal na panahong walang ganitong batas, maraming bata ang napagkaitan hindi lamang ng pagkakataong magkaroon ng pamilya, kundi pati ng karapatang magkaroon ng pangalan, magkaroon ng nasyonalidad, at makinabang sa mga programa at serbisyo ng gobyerno. Kaya magandang balita ang pagkakaroon ng batas na pupuno sa mga kakulangang ito.

Maliban sa pagbibigay ng pagkamamamayan o nasyonalidad sa mga foundlings, ang isa pang mahalagang probisyon ng batas na ito ay ang pagkakaroon ng tinatawag na safe haven o mga pasilidad na mangangalaga at magbibigay ng ligtas na tahanan para sa mga foundlings. Maaaring ipagkatiwala ng mga magulang ang kanilang sanggol sa mga safe havens gaya ng mga health care facilities at DSWD residential care centers sa loob ng tatlumpung araw kung wala na silang ibang magagawa pa kundi ang ipaampon ang kanilang anak. Sa pamamagitan ng mga safe havens na ito, maiiwasan na ang mga kaso ng pag-iwan sa mga sanggol sa mga delikadong lugar gaya ng palikuran, bangketa, at basurahan. Hindi nito hinihikayat ang basta-basta na lang na pagpapaampon sa mga sanggol, bagkus ay binibigyan-diin ng batas na hindi rin dapat pinababayaan ang mga walang muwang na sanggol dahil lamang sa desisyon ng kanilang magulang.

Katulad ng sanggol na si Moises na inilagay ng kanyang mga magulang sa isang basket sa may pampang ng ilog upang siya ay protektahan, nararapat na bigyang-proteksyon ang mga foundlings dito sa ating bansa at maging sa ibang panig ng mundo. Sa liham ni St. Pope John Paul II sa mga pamilya noong 1994, ipinaalala niya sa ating mga Katoliko na “the family is the way of the Church.” Kaya’t isang mabuting hakbang ang pagkakapasa sa Foundling Recognition and Protection Act hindi lamang upang bigyang nasyonalidad ang mga foundlings ngunit upang tuluyan silang makatagpo ng pamilyang magmamahal at mag-aaruga sa kanila.

Mga Kapanalig, katulad ng pangako ng Diyos sa Juan 14:18, “Hindi ko kayo iiwang mga ulila.” Ito rin ang pangakong hatid ng Foundling Recognition and Protection Act.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 1,576 total views

 1,576 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 9,112 total views

 9,112 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 25,098 total views

 25,098 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 33,143 total views

 33,143 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 38,223 total views

 38,223 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 1,577 total views

 1,577 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 9,113 total views

 9,113 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 25,099 total views

 25,099 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 33,144 total views

 33,144 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 38,224 total views

 38,224 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 42,968 total views

 42,968 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,754 total views

 44,754 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,679 total views

 41,679 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,993 total views

 55,993 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,683 total views

 59,683 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,286 total views

 58,286 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,273 total views

 68,273 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,241 total views

 72,241 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,128 total views

 83,128 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,567 total views

 95,567 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top