1,269 total views
Ikinalugod ng Diyosesis ng Tagbilaran at mamamayan ng Bohol ang pagkilala sa lalawigan bilang kauna-unahang (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization) UNESCO Global Geopark sa Pilipinas.
Ayon kay Tagbilaran Bishop Alberto Uy ito ay bunga sa pagtutulungan at pagsisikap ng stakeholders sa pangunguna ng mga opisyal ng lalawigan upang isulong ang higit na pagpapahalaga sa likas na yaman at sa mga mahahalagang pook.
“The key to its designation lies in its bottom-up all-of-Bohol approach to sustainable development to surface Bohol’s geological heritage of international significance. This designation provides us Boholanos with a heightened sense of pride of place and fortifies our connectivity with our “yutà kong minahal” (the land I love), as our Bohol Hymn we relish to sing evokes. Indeed, all of Bohol’s heritage – natural and cultural – are encapsulated in it.” mensahe ni Bishop Uy sa Radio Veritas.
Batid ni Bishop Uy na kaakibat ng pagkilala ang malaking responsibilidad ng bawat Boholano sa pagpapanatili ng maganda at malinis na kalikasan.
“This international recognition comes with heavy-duty responsibilities, for we are called to resolutely commit to reduce our carbon footprints, lessen the effects of climate change, trim down risks spawned by natural and human-made hazards thereby sustaining our island-province’s resources, and such like.” saad ng obispo.
Kabilang sa isinusulong ni Bishop Uy ang pagpapaigting sa forest cultivation, paggamit ng renewable energy na isang malinis na pagkukunan ng enerhiya, seagrass cultivation farm upang mabigyang pagkain ang iba’t ibang marine organisms, at; pagtatayo ng earthquake-resilient and storm-resistant na mga gusaling masisilungan tuwing kalamidad.
“But above all, the conservation and proper valorisation of Bohol’s natural and cultural heritage and the safeguarding of our intangible heritage demand our highest attention.” dagdag ni Bishop Uy.
Ayon sa pag-aaral ng UNESCO mayaman sa likas na yaman ang lalawigan at pagkakaron ng karstic geosites tulad ng kuweba, sinkholes at cone karst kabilang na ang kilalang Chocolate Hills sa lalawigan.
Bukod pa rito ang Danajon Double Barrier Reef na kaisa-isa lamang sa Southeast Asia at isa sa anim na dokumentadong double barrier reefs sa buong mundo na may 6, 000 years na coral growth.
Ang Danajon Double Barrier Reef ay binubuo ng dalawang uri ng large offshore coral reefs mula sa tidal currents at coral growth sa submarine ridge sa lugar.
Dahil dito pinaiigting ni Bishop Uy ang panawagan sa mananampalataya na pangalagaan ang kalikasan alinsunod sa panawagan sa Laudato Si ng Santo Papa Francisco.
“For the Diocese of Tagbilaran, its interest is bound to a keen appreciation of our link to our planet, our common home, which we shape and cultivate and has, in turn, shaped and will continue to shape our community.” ayon kay Bishop Uy.
Sa datos ng UNESCO may 195 na geopark sa mundo sa 48 mga bansa.