Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paglapastangan sa Huling Hapunan sa Paris Olympics: Obispo, hinikayat ng mananampalataya na tumugon ng may pag-ibig

SHARE THE TRUTH

 42,461 total views

Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na bilang mga anak ng Diyos, ay hindi dapat tanggapin ang mga pananaw ng mga hindi sumasampalataya o umangkop sa pamantayan ng mundo.

Ito ang mensahe ng obispo, kaugnay na rin sa ginawang paglalarawan ng Huling Hapunan ng ilang grupo na ginanap sa pagsisimula ng Paris Olympics-na isa aniyang pagkukutya sa pananampalatayang Kristiyano.

“These types of parodies are not merely harmless or simply creative expressions. Clearly, these are open attacks and disrespect to our faith. Would Jesus have allowed such things without taking or making a stand?,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Santos.

Paalala pa ni Bishop Santos, na bilang isang simbahan ay marapat lamang na ating iparinig ang ating hindi pagsang-ayon sa ganitong uri ng paglapastangan, subalit dapat na tumugon nang may pag-ibig, biyaya at katotohanan.

“We as Church are not to back down and should make our voices heard. However, we must also respond with love, grace, and truth.”

Sinabi pa ng obispo; “The Church is called to uphold God’s Word with kindness and compassion because all of us are sinners in need of God’s saving grace.”

Binigyan diin pa ni Bishop Santos na bagama’t humingi na rin ng paumanhin ang organizer ng Paris Olympics sa pangyayari sa pananakit ng damdamin sa maraming Kristiyano, ay hindi naman humingi ng paumanhin ang mga ito sa kanilang ginawa.

Una na ring kinundena ng French’ Bishops Conference at ng ilang mga lider ng simbahang katolika sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang ginawang pagtatanghal sa Paris Olympics kung saan itinampok ang mga drag queen bilang apostoles habang isang DJ naman ang gumanap na Hesus sa depiction ng Last Supper.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 16,182 total views

 16,182 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 30,142 total views

 30,142 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,294 total views

 47,294 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,505 total views

 97,505 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,425 total views

 113,425 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 8,345 total views

 8,345 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 27,679 total views

 27,679 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top