Paglinang sa wikang Filipino at katutubong wika, paiigtingin ng KWF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,811 total reads

Inihayag ng Komisyon sa Wikang Filipino (K-W-F) ang pagpapaigting sa mga programa na magpapanatili sa wika kabilang na ang mga katutubong wika sa bansa.

Ayon kay Dr. Arthur Casanova, Tagapangulo at Kinatawan ng KWF, ang mga patimpalak na inilunsad ng komisyon ay paraan upang mas malinang ang kahusayan ng mga Pilipino sa paggamit ng wika at makatuklas ng mga talento lalo na sa kabataan.

“Unang una tumutuklas tayo ng mga bagong makata at mga mandudula, maging sa pagsulat ng mga sanaysay at panitikan upang mapangalagaan, mapagyaman ang wikang Filipino,” pahayag ni Casanova sa Radio Veritas.

Ito ng pahayag ni Casanova sa ginanap na ‘Araw ng Parangal 2022’ kung saan kinilala ang ilang indibidwal na nagwagi sa patimpalak na Tumula Tayo 2022: Pagsusulat ng Katutubong Tula; Dula Tayo 2022: Pagsusulat ng Dramatikong Monologo; Talaang Ginto Makata ng Taon 2022; at ang Gawad Dangal ng Panitikan 2022.

Nakatuon sa mga katutubo sa bansa ang tema ng bawat patimpalak kung saan tinatalakay dito ang kasalukuyang sitwasyon ng mga katutubo kabilang na ang kanilang karapatan at pangarap sa buhay.

Naniniwala si Casanova na malak ang maitutulong ng panitikan, dula, tula at mga sanaysay upang mapangalagaan ang interes ng halos 17-milyong Indigenous People sa Pilipinas na nabibilang sa 110 ethno-linguistic groups.

Sinabi ng opisyal na pagsama-samahin ng kWF ang mga isinulat na tula, dula at panitikan upang ilimbag sa aklat makalipas ang sampung taon.

Inaanyayahan ni Casanova ang mamamayan na lumahok sa mga patimpalak na inilulunsad ng KWF upang higit na malinang ang kasanayan ng mga Pilipino.

“Ini-engganyo ko ang ating mga kababayan na makiisa sa mga patimpalak na isinasakatuparan ng Komisyon sa Wikang Filipino dahil layunin nating payabungin ang mga talento ng ating mga kabataan sa larangan ng panitikan, dula, sanaysay at ito ay malaking hakbang upang patuloy na malinang ang panitikan,” giit ni Casanova.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 126,648 total reads

 126,648 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 177,012 total reads

 177,012 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 304,100 total reads

 304,100 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 389,482 total reads

 389,482 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 446,719 total reads

 446,719 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top