Pagmimina, hindi nakatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 755 total views

Ito ang paninindigan ni Jaybee Garganera, National Coordinator ng grupong Alyansa Tigil Mina kaugnay sa patuloy na pagsasagawa ng pagmimina sa bansa.

Sa pagsusuri ng pamahalaan, ipinagmalaki nito na malaki ang maitutulong ng pagmimina sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa lalo na ngayong nagkaroon ng krisis bunsod ng coronavirus pandemic.

Gayunman, iginiit ni Garganera na ang pagsusuri ng pamahalaan ay walang katotohanan dahil mas mababa pa sa isang porsyento ang nai-aambag ng pagmimina sa Gross Domestic Product ng bansa.

Ipinaliwanag ni Garganera na ang mga kagubatan at karagatan na likas na yaman ng bansa ang nasisira sa operasyon ng pagmimina na lubhang nakakaapekto sa ikinabubuhay ng mamamayan.

Kabilang na rito ang pagsasaka at pangingisda na 16 na porsyento ang naiaambag sa ekonomiya kumpara sa 1-porsyento mula sa pagmimina.

Batay sa Indigenous People’s Rights Act, kailangan muna ng pahintulot at pagsang-ayon ng mga katutubo bago magtayo at magsagawa ng pagmimina sa kanilang lupaing ninuno.

Ibinahagi ni Garganera na marami sa mga katutubong komunidad ang nakararanas ng pananakot at sapilitang pagpapaalis sa kanilang mga lupain upang makapagsagawa ng pagmimina.

Batay sa Laudato Si ni Pope Francis, ikinalulungkot nito ang sapilitang pagpapaalis sa mga katutubo sa kanilang mga lupain upang makapagsagawa ang mga makapangyarihang kumpanya ng pagmimina at abusuhin ang iba pang likas na yaman.

Panawagan naman ng grupo at iba pang makakalikasang organisasyon ang pagsusulong ng bagong batas na magtataguyod at magbabago sa nakasanayang pagsasagawa ng pagmimina sa bansa.

Marso 3, 1995 nang maging batas ang Republic Act 7942 o Philippine Mining Act.

Ayon sa Catholic Social Teaching, bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangang ang kinikita nito ay nakakamit nang hindi nasasakripisyo o naaapektuhan ang bawat mamamayan partikular na ang kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 10,993 total views

 10,993 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 10,993 total views

 10,993 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 10,993 total views

 10,993 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 10,587 total views

 10,587 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 9,579 total views

 9,579 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top