Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapabakuna ng bivalent vaccine, mahalagang pananggalang sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

 2,334 total views

Iginiit ng eksperto na nanatiling mahalaga ang pagpapabakuna bilang pananggalang sa banta ng novel coronavirus.

Ayon kay Dr. Rey Salinel Jr. ng Philippine Academy of Family Physician, malaki ang naging bahagi ng bakuna para iligtas ang buhay ng publiko mula sa nakamamatay na sakit.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Salinel, binigyan diin ng dalubhasa na kailangan ang pagpapabakuna lalo na sa mga pangunahing lantad sa panganib tulad ng mga health care worker, matatanda at mga may karamdaman.
Ang pahayag ni Salinel ay kaugnay na rin sa bivalent vaccine bilang karagdagang proteksyon laban sa virus at pagkakaroon ng iba’t uri ng mutation.

Ipinaliwanag ni Salinel na ang bivalent vaccine ay may dalawang component-laban sa original virus at mga subvariants bilang karagdagang proteksyon sa mga pangunahing lantad sa Covid-19.

“Malaki po talaga ang tulong na mabibigay ng Bivalent Vaccine para po malabanan itong mga mutation na ito, para po magkaroon tayo ng proteksyon at dagdagan pa ang mga nakuha nating proteksyon sa mga naunang mga Monovalent Vaccine.” ayon pa kay ni Dr. Salinel.

Ito ay maaring ibakuna, anim na buwan matapos na magpabakuna ng booster.
Dahil sa kakaunti lamang ang bakuna, ipinag-utos ng pamahalaan na ang maaring makatanggap ng bivalent vaccine ang medical frontliners, senior citizens at persons with comorbidities.

with News Intern:  Raven Macapagal

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 24,917 total views

 24,917 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,005 total views

 41,005 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 78,672 total views

 78,672 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 89,623 total views

 89,623 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 31,696 total views

 31,696 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 4,145 total views

 4,145 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 24,001 total views

 24,001 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top