Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapabakuna, pinakamabisang proteksyon laban sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

 204 total views

Iginiit ng Department of Health na ang proteksyong hatid ng COVID-19 vaccine ay mahalaga upang maiwasan ang posibilidad ng malalang epekto ng virus sa katawan.

Ayon kay National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje na ngayong batid ang banta ng Omicron variant, dapat higit na isaalang-alang ng mamamayan ang kaligtasan ng bawat isa upang tuluyan nang masugpo ang pandemya.

“Kailangang mag-ingat tayong lahat at mabakunahan kasi vaccination offers a layer of protection in order to mitigate ang COVID-19 transmission at ma-ensure na hindi gaanong serious, less severe if tayo ay na-infect ng COVID-19 Omicron variant,” bahagi ng pahayag ni Cabotaje sa panayam sa Veritas Pilipinas.

Batay sa tala, higit sa 30-milyon ng populasyon ng Pilipinas ang magpahanggang-ngayon ay hindi pa rin nakakatanggap ng anumang dose ng COVID-19 vaccine.

Layunin ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 90-milyong Filipino bago matapos ang Hunyo 2022.

Kabilang din dito ang makapaglaan ng 72-milyong booster shots para sa adult population mula 18 taong gulang at pataas; mabakunahan ang higit 12-milyong populasyon ng mga nasa 12 hanggang 17 taong gulang; at 15-milyon naman ng mga nasa lima hanggang 11 taong gulang.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 53-milyong Filipino na ang kumpleto na sa bakuna kontra COVID-19, habang nasa higit 3-milyon naman ang nakatanggap na ng booster shots.

Naitala rin ngayon ng Pilipinas ang 32,246 na panibagong kaso ng virus dahilan upang umabot sa mahigit 208,164 ang aktibong kaso.

Samantala, kinikilala at ginagalang ng Simbahang Katolika ang malayang pagpili ng sinuman sa pagnanais nitong magpabakuna o hindi batay sa kanyang konsensya.

Ngunit sakaling hindi magpabakuna ang isang indibidwal, tungkulin naman nitong patuloy na pangalagaan ang sarili, maging ang kapwa upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 9,879 total views

 9,879 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 21,362 total views

 21,362 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 37,051 total views

 37,051 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 37,806 total views

 37,806 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 47,427 total views

 47,427 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top