246 total views
Ang pagpapakalat ng mga kasinungalingan ay hindi lamang nagdudulot ng panlilinlang sa lipunan kundi maging ng kapahamakan.
Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa evening prayer ng katatapos na Philippine Conference on New Evangelization 6 o PCNE VI sa University of Sto.Tomas.
Ayon kay Cardinal Tagle, ang mga kabataan ang pinakalantad sa iba’t-ibang kasinungalingan dahil sa kakulangan ng paggabay upang sila ay positibong makibahagi at makialam sa mga nagaganap sa bayan.
Iginiit ng Kardinal na kapahamakan ang naidudulot ng kasinungalingan na ipinakakalat ng kasamaan na nangibabaw sa katotohanan.
Ipinaliwanag din ni Cardinal Tagle na hindi lamang kapahamakan sa sarili ang maaring naidulot ng kasinungalingan at panlilinlang kundi kapahamakan at kasiraan maging sa kapwa, sa bayan at sa sanilikha.
“Lies we believed lies, and the evil one is the master of deception it is for this reason that in our Christian tradition the evil one is called “the master of lies” and how convincing his ways are. And the young who are most vulnerable because they are searching and those who are not young anymore are vulnerable because we have stopped searching. We could be deceived and if we believed lies we propagate lies, and the person who believes in lies and spread lies, spreads harm. Harm to oneself, inflicts harm on others different types of abuse, inflicts harm on society and on creation.” pagninilay ni Cardinal Tagle.
Binigyang diin ni Cardinal Tagle na hindi kailanman maaring maging pundasyon ang kasinungalingan sa pagkakaroon ng maayos at marangal na lipunan at sanlibutan.
Dahil dito hinimok ni Cardinal Tagle ang lahat sa pamamagitan ng gabay ni Hesus na siyang daan, katotohanan at buhay na pagsisihan ang lahat ng mga kasinungalingan sa buhay na nagdulot ng panlilinlang sa kapwa.
“But how can we build human lives, a humane society and the world of creation of integrity base on lies? But on this holy ground, on this holy day, before Jesus who is the way, the truth and the life we confess, not only our intellectual lies, not only our lies through speech but most specially as key pointed out the lies in our lifestyle, the lies that we propagate in order to deceive others.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Aminado naman ang Kardinal na mahirap tanggapin at aminin ang ating mga kasinungalingan ngunit ang pag-ako ay magbabalik sa biyayang buhay at misyon na misyon ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat isa.
“There is shame in admitting the life of lies, pero saan tayo dadalhin ng kakahiyan? sa mas marami pang kasinungalingan. Let us return to the Father in order to return to our true selves and to our true mission.” Ayon kay Cardinal Tagle.
Ang laganap na kasinungalingan ay maihahalintulad sa paratang ng isang kilalang “polluted source” laban sa mga lider ng Simbahang Katolika na pinaniwalaan naman ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detectio Group at Department of Justice.
Nakasaad sa 8th commandment na “though shall not bear false witness” o huwag kang sasaksi ng walang katotohanan.
Read: CBCP, ipinagtanggol ang mga Obispo at Paring isinasangkot sa sedition case
There are end to lies and calumny!
Statement of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David
Tema ng ika-anim na serye ng PCNE ngayong taon ang “Filipino Youth Walking with Jesus” na hango sa ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika na Year of the Youth bilang bahagi ng siyam na taong paghahanda ng Simbahan para sa ika-500 taon ng Katolisismo sa Pilipinas.
Nagsimula ang PCNE VI noong ika-18 ng Hulyo sa UST Quadricentennial Pavilion sa pamamagitan ng “A Day of Encounter with Clergy and Consecrated Persons” na hindi lamang dinaluhan ng mga lingkod ng Simbahan sa bansa kundi maging ng ilang international delegates mula Los Angeles, Vietnam, Malaysia, Brunei, Kuala Lumpur, Indonesia at Taiwan.