Pagpapakumbaba at pag-amin sa kahinaan, pakikiisa sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 481 total reads

Hinimok ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na huwag mahiyang humingi ng tulong sa Panginoon.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang pagpapakumbaba at pag-amin ng kahinaan ay isang pagpapahayag ng pakikiisa sa Panginoon.

Ito ang mensahe ni Cardinal Tagle sa isinagawang Misa ng Bayan sa pagbubukas ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE4) na may temang “One Heart, One Soul”.

Ang pagtitipon ay dinaluhan ng 6,150 delegado mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, Asia at Estados Unidos.

Ang 3-day conference ay mula July 28-30 sa U-S-T Quadri-centennial Pavillion.

Sa kanyang homiliya, sinabi ni Cardinal Tagle na nawa ang bawat isa ay maging tulad ng isang bata na umaasa ng kalinga sa magulang at sa kapwa.

“Pag-amin na kailangan natin ng tulong. Sa panahon natin ngayon gusto ng tao maging self sufficient na hindi kailangan ang Diyos. Ayaw umamin na hindi kaya. Ang pagiging marupok na kailangan ko ang iba; at sa paghahari ng Diyos, ganun ang hinihingi; tanggapin ko marupok ako, tanggapin ko kailangan akong umasa sa Diyos, at sa kapwa, dahil hindi ko kaya lahat.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Pinalalahanan din ng Kardinal ang bawat isa na mahalin ang mga bata na bagamat mahina ay nakakapagbukas ng puso at pumupukaw sa damdamin na magmahal at kumalinga.

Umaasa si Cardinal Tagle na tigilan ang pagsasamantala sa mga bata at mahihina sa halip ay magbigay daan para tumulong at magmalasakit sa kapwa.

Naging tema rin ng Misang Bayan ng Filipino ang Sto. Nino de Cebu bilang paghahanda sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,819 total reads

 45,819 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 131,184 total reads

 131,184 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,920 total reads

 177,920 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,792 total reads

 225,792 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 327,613 total reads

 327,613 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top