Pagpapala ng Diyos, bumuhos sa Cana at Lourdes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 626 total reads

Papuri at pasasalamat sa iyo,
Diyos naming Ama sa pagbubuhos
ng iyong mga biyaya at pagpapala
sa amin sa pamamagitan ni
Hesus na iyong Anak:  kay sarap
isipin una niyang "tanda" o himala
nangyari doon sa kasalan sa Cana, 
Galilea nang gawin niyang masarap 
na inuming alak ang tubig na isinalin 
sa mga tapayan.
Sa gitna ng tanda na ito ay naroon
ang Mahal na Birheng Maria na nagkusang
namagitan sa mga bagong kasal nang 
maubusan ng alak sa kanilang pagdiriwang;
naligtas sila ni Hesus sa kahihiyan 
nang gawin niyang alak mga tubig
sa tapayan.
Makalipas ang kulang-kulang
dalawang libong taon noong 1858,
napakita ang Mahal na Birheng Maria
kay Santa Bernadette doon sa isang 
grotto sa Lourdes, France; bumukal
isang munting batis at hanggang 
ngayon, tinuturing na mapaghimala
matapos mapagaling maraming mga
maysakit.
Salamat sa biyaya ng tubig na
siya ring dumaloy sa sinibat na 
tagiliran ni Hesus doon sa Krus;
salamat sa biyaya ng tubig na
tanda ng paglilinis sa aming katauhan
sa sakramento ng binyag;
salamat Ama sa pagtupad ng iyong
pangako kay Propeta Isaias (66:10-14)
na kami ay iyong "padadalhan ng ina"
na sa amin ay "kakalinga at mag-aaruga 
tulad ng sa isang sanggol sa oras ng
pagkakasakit at kagipitan";  higit sa lahat,
salamat sa pagbibigay mo sa amin, 
Panginoong Hesus, sa iyong Ina, 
ang Mahal na Birheng Maria 
na naging daluyan ng maraming 
pagpapala at kagalingan sa mga 
may sakit at karamdaman sa 
iyong kapangyarihan.
Panginoong Hesus,
dalisayin mo kami at linisin
aming mga puso at kalooban
upang makatulad si Maria na iyong 
Ina at amin ding Ina; sa kanyang
pananalangin nawa kami ay maghatid
ng kagalingan at kapayapaan sa
mga may sakit at nahihirapan gaya
ng mapaghimalang tubig sa batis ng
grotto sa Lourdes, France lalong 
higit sa panahong ito ng pandemya.
Amen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 1,760 total reads

 1,760 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 40,137 total reads

 40,137 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 266,408 total reads

 266,408 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 159,873 total reads

 159,873 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 253,803 total reads

 253,803 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

It might be you?

 5,025 total reads

 5,025 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 12 October

Read More »

Bewitched

 12,900 total reads

 12,900 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Twenty-Seventh Week in Ordinary Time, Year II, 08 October

Read More »
Scroll to Top