8,016 total views
Naniniwala ang Kanyang Kabanalan Leon XIV na mahalagang tutukan ng simbahan ang pagpapalakas ng mga pamilya na buhay na kasapi ng Mistikong Katawan ni Kristo.
Sa pagdiriwang ng Jubilee for Families, Children, Grandparents, and the Elderly kamakailan pinagnilayan ng Dicastery for Laity, Family and Life kasama ng mga eksperto ang temang “Evangelizing with the Families of Today and Tomorrow: Ecclesiological and Pastoral Challenges.”
Ayon sa santo papa malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga pamilya lalo na ng mga magulang upang maisalin sa mga susunod na henerasyon ang pananampalataya at kadakilaan ng Diyos.
Gayunpaman batid ni Pope Leo ang mga kaakibat na hamong kinakaharap ng mga pamilya lalo na ang mga makamundong bagay na humahadlang upang makatugon sa tawag ng pagmimisyon.
“What drives the Church in her pastoral and missionary outreach is precisely the desire to go out as a “fisher” of humanity, in order to save it from the waters of evil and death through an encounter with Christ,” ani Pope Leo.
Kabilang sa tinukoy ng punong pastol ang mga mapanlinlang na uri ng pamumuhay ng tao na kadalasang sanhi upang mawalan ng saysay ang pananampalataya gayundin ang maling paggamit ng social media at iba pang teknolohiya na kadalasang nagdudulot ng panganib bunsod ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon na ikinasisira ng kapwa.
Tinuran ni Pope Leo na kinakailangang maging aktibo ang mga pamilya sa pagmimisyon sa simbahan at lipunan bilang mga mabubuting halimbawa sa pag-aaruga at paglago sa buhay pamilyang nakaugat sa pag-ibig ng Panginoon.
“Perhaps many young people today who choose cohabitation instead of Christian marriage in reality need someone to show them in a concrete and clear way, especially by the example of their lives, what the gift of sacramental grace is and what strength derives from it. Someone to help them understand “the beauty and grandeur of the vocation to love and the service of life” that God gives to married couples (SAINT JOHN PAUL II, Familiaris Consortio, 1),” dagdag ng santo papa.
Sa Pilipinas batay sa pag-aaral ng National Demographic and Health Survey noong 2022 tumaas sa 19 porsyento ang mga babaeng edad 15 – 49 ang nasa live-in arrangement sa halip na tumanggap ng sakramento ng pag-iisang dibdib o kasal.
Ayon naman sa Statista sa pagitan ng 2021 hanggang 2023 bumaba sa 31.4 percent ang nagpapakasal sa simbahang katolika kumpara sa 32.8 percent noong 2022.
Kaugnay nito hinimok ni Pope Leo ang mga obispo, pari at layko na magtulungang kumilos at makiisa sa misyon bilang ‘fisher of families.’
“In this situation, it is the responsibility of the Bishops, as successors of the apostles and shepherds of Christ’s flock, to be the first to cast their nets into the sea and become “fishers of families.” Yet the laity are also called to participate in this mission, and to become, alongside ordained ministers, “fishers” of couples, young people, children, women and men of all ages and circumstances, so that all may encounter the one Saviour,’ dagdag pa ni Pope Leo.




