Tunay na diwa ng Halloween, binago ng komersiyalismo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,154 total views

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya, lalo na ang mga magulang, na ipagdiwang ang darating na kapistahan ng mga banal at paggunita sa mga yumao nang may diwa ng kabanalan, hindi ng katatakutan.

Sa kanyang mensahe bago ang All Saints’ Day, pinaalalahanan ng arsobispo ang mga pamilya na iwasan ang mga nakakatakot na maskara at kasuotan tuwing Halloween, at sa halip ay hikayatin ang mga bata na tularan ang mga banal.

“I encourage our parents, teachers, and parish leaders: let us guide our children to dress as saints, not as demons; as angels, not as monsters. Let their joy reflect the beauty of holiness, not the ugliness of sin,” mensahe ni Archbishop Uy.

Ipinaliwanag ng arsobispo na ang Halloween, o All Hallows’ Eve, ay orihinal na ipinagdiriwang bilang bisperas ng kapistahan ng lahat ng mga santo na isang pagkakataon upang parangalan ang mga banal na namuhay nang tapat sa Diyos at ngayo’y kapiling sa langit.

Gayunman, ikinalungkot ni Archbishop Uy na sa paglipas ng panahon ay nagbago ang kahulugan nito dahil sa labis na komersiyalismo.

“Instead of celebrating light, goodness, and holiness, it has often turned into a glorification of darkness, fear, and evil,” aniya.

Panawagan ng arsobispo sa mga magulang at guro na turuan ang kabataan ng tunay na diwa ng kabanalan—ang pag-ibig at katapatan sa Diyos.

“Let us also teach our children that holiness is not boring, it is joyful! Saints were people who loved deeply, served faithfully, and lived courageously. If we want our children to have true heroes, let them look to the saints,” dagdag pa ni Archbishop Uy.

Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Santo, hinikayat ng arsobispo ang mga mananampalataya na isabuhay ang kabanalan sa kanilang mga tahanan, paaralan, at komunidad.

“Let us fill our communities not with fear, but with faith; not with masks of darkness, but with faces of kindness and love,” ayon pa sa kanya.

Ipinagkaloob ni Archbishop Uy ang kanyang basbas sa mga pamilya, lalo na sa mga kabataan, upang manatiling masigla at matapat sa pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 62,022 total views

 62,022 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 95,104 total views

 95,104 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 123,455 total views

 123,455 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 191,187 total views

 191,187 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 210,021 total views

 210,021 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top