Peacetalks, panawagan ni Pope Leo XIV sa mga bansang may digmaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,275 total reads

Muling nanawagan si Pope Leo XIV para sa agarang tigil-putukan at dayalogo tungo sa kapayapaan, lalo na sa mga bansang patuloy ang karahasan at digmaan.

Sa kanyang Angelus sa Vatican, hinimok ng Santo Papa ang mga pinuno ng mundo na bigyang-daan ang mga hakbang tungo sa pagkakasundo at pag-asa.

“I renew my heartfelt appeal for an immediate and effective ceasefire. May the instruments of war give way to those of peace, through inclusive and constructive dialogue,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Binigyang-diin ng Santo Papa ang kanyang pag-aalala sa patuloy na digmaan sa Myanmar, kung saan kabilang sa mga target ng mga pag-atake ang mga sibilyan at mga pasilidad sibil.

Ipinahayag ng punong pastol ang kanyang pakikiisa sa lahat ng nagdurusa dahil sa karahasan, kawalang-seguridad, at kahirapan na dulot ng labanan.

“The news from Myanmar is sadly distressing,” ani ng Santo Papa habang pinangungunahan ang panalangin para sa kapayapaan.

Kasabay nito, ipinagkatiwala ni Pope Leo XIV sa Mahal na Birheng Maria at sa mga bagong Santo ng Simbahan ang panalangin para sa kapayapaan sa Holy Land, Ukraine, at iba pang lugar na patuloy na dinudurog ng digmaan.

“Let us entrust to the intercession of the Virgin Mary and the new Saints our constant prayer for peace in the Holy Land, Ukraine, and other places affected by war. May God grant all their leaders the wisdom and perseverance to advance in the search for a just and lasting peace,” dagdag ng Santo Papa.

Sa okasyon din ng World Mission Day, pinuri ni Pope Leo XIV ang mga misyonerong patuloy na naglilingkod sa mga komunidad sa iba’t ibang panig ng mundo, lalo na sa mga hindi pa nakakikilala sa Panginoon.

“Today is World Mission Day. While the whole Church is missionary, today we pray especially for those who bring the Gospel to those who do not know it. They are missionaries of hope among all peoples,” pahayag ng Santo Papa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,840 total reads

 75,840 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,685 total reads

 110,685 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,985 total reads

 145,985 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,254 total reads

 372,254 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,532 total reads

 261,532 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top