Huwag abusuhin ang remittances ng mga OFW, paalala ni Bishop Santos sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,879 total views

Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pamahalaan na huwag abusuhin at paglaruan ang remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFW), dahil ito ay bunga ng sakripisyo at pagsisikap sa ibayong dagat.

Ito ang mensahe ng obispo bilang paghahanda sa Jubilee for Migrants ng Diocese of Antipolo sa darating na Oktubre 25, 2025.

Ayon kay Bishop Santos, nakalulungkot na ang perang pinaghihirapan ng mga OFW ay nalulustay ng ilang opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng katiwalian at labis na luho.

“OFW remittances are a sacred offering, not a politician’s playground. It is heartbreaking to see money earned through hard work in deserts, on ships, and in hospitals—meant to feed families, educate children, and build futures—used instead to fund personal indulgence,” ayon kay Bishop Santos.

Binatikos din ng obispo ang mga tinaguriang “nepo babies” at ilang opisyal ng pamahalaan na gumagastos ng daang libong piso sa mga mamahaling kainan habang ang mga OFW ay nagtitipid upang maipadala ang kanilang kinikita sa pamilya.

“OFWs sacrifice meals, while elites feast. OFWs skip hearty meals, choosing instead to send every peso home. They endure bland food, long hours, and isolation just so their children can eat well, study, and dream. Their sacrifice is sacred. It must not be mocked by the gluttony of those who live off the fat of corruption,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Dagdag ng obispo, habang ang ilang opisyal ay nagmamalaki ng mga mamahaling sasakyan at mansyon, maraming OFW ang nagtitiis sa pagod, lungkot, at panganib sa ibayong dagat upang mapatatag ang ekonomiya at mapabuti ang buhay ng kanilang pamilya.

Binigyang diin din ni Bishop Santos na isa sa pangunahing dahilan ng pag-alis ng mga OFW ay ang pagnanais na mapag-aral ang kanilang mga anak. Ngunit dahil sa korapsyon, ay nababawasan ang pondo ng pamahalaan para sa edukasyon at serbisyong pampubliko.

“Every peso stolen is a dream delayed. Every act of abuse is a betrayal of the OFW’s sacrifice,” giit ng obispo.

Batay sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas ng tatlong porsyento ang remittances ng mga OFW ngayong taon, na umabot sa 3.18 billion US dollars kumpara sa 3.08 bilyon noong Hulyo 2024.

Para kay Bishop Santos, ang pagtaas na ito ay patunay ng patuloy na malasakit at pagmamahal ng mga Pilipino sa ibayong dagat para sa kanilang pamilya at sa bayan.

“The recent surge in remittances from our Overseas Filipino Workers (OFWs) is a testament to their unwavering love and sacrifice for their families and for our nation,” aniya.

Sa huli, nanawagan ang obispo sa mga pinuno ng pamahalaan na maglingkod nang may katapatan at pananagutan, at pahalagahan ang buwis at kita ng mga mamamayan.

“We urge our leaders to remember that public office is a vocation, not a privilege. We ask every Filipino to honor the OFW not just with words, but with action—with transparency, accountability, and compassion,” saad ni Bishop Santos.

Bilang pagtatapos, inialay ng obispo ang kanyang mensahe sa lahat ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa: “To our beloved OFWs, you are not forgotten. You are the beating heart of this nation.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 76,056 total views

 76,056 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 150,670 total views

 150,670 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 230,749 total views

 230,749 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 273,888 total views

 273,888 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 270,306 total views

 270,306 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top