“Please pray for us, that we may find peace in truth and justice, not in blood.”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,394 total reads

Ito ang masidhing panawagan ni Kaloocan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), para sa kapayapaan ng Pilipinas sa gitna ng lumalalang korapsyon sa bansa.

Sa kanyang canonical installation bilang titular ng Church of the Transfiguration of Our Lord Jesus Christ sa Roma noong October 19, ibinahagi ng kardinal sa mga dumalong mananampalataya ang kanyang pag-aalala sa kalagayan ng bansa.

“I ask you to say a prayer for my country, the Philippines. I left my country with a heavy heart. These days, the people’s anger over government corruption is growing. And when anger grows faster than justice, it can easily explode into violence — as has recently happened in Nepal and Indonesia. Please pray for us, that we may find peace in truth and justice, not in blood,” ayon kay Cardinal David.

Inihalintulad ng kardinal ang kanyang kalagayan sa imahe ni Moises na nananalangin mula sa malayo habang nakikipaglaban ang kanyang bayan isang larawan ng Pilipinas na patuloy nakikibaka hindi lamang sa mga kalamidad kundi sa mas mabigat na suliranin ng katiwalian.

That’s how I feel right now: far away, with arms outstretched in prayer for our kababayans at home who, in addition to nonstop natural calamities, are also dealing with the even worse calamity of corruption and malversation of public funds worth trillions,” aniya.

Binigyang-diin ng kardinal na ang pananalangin ay hindi gawain ng isang tao lamang, kundi sama-samang pagdulog ng sambayanan sa Diyos. Sa gitna ng mga pagsubok, hinimok niyang manatiling matatag at magtiwala.
Ibinahagi rin ni Cardinal David ang mga sandaling sinubok ang kanyang pananampalataya, lalo na noong nanindigan siya laban sa karahasan sa gitna ng kampanya kontra droga ng nakalipas na administrasyon.

“I felt like a miserable failure when many of our own Catholic faithful did not agree with our moral stand, such as against the killings during the bloody drug war of the previous administration,” dagdag ng kardinal.

Sa kabila nito, sinabi ng Kardinal na patuloy siyang pinatatatag ng Salita ng Diyos at ng kanyang araw-araw na debosyon, ang “Walk with Mama Mary” tuwing matapos ang hapunan at ang “Coffee with Jesus” tuwing umaga.
Pinaalalahanan ni Cardinal David ang mga mananampalataya na huwag mawalan ng pag-asa sa mga panahon ng panghihina.

“When your strength begins to fade and your arms begin to droop, remember Moses — and remember that God Himself, more than Aaron or Hur, stands beside you to keep your hands lifted, until the battle is won,” ani Cardinal David.

Si Cardinal David ay itinalaga bilang titular ng Church of the Transfiguration of Our Lord Jesus Christ matapos hiranging kardinal ni Pope Francis noong December 7, 2024.

Ang bawat kardinal ay may kaukulang simbahan sa Roma bilang sagisag ng kanilang pakikiisa at katapatan sa Santo Papa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 16,994 total reads

 16,994 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,836 total reads

 54,836 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,046 total reads

 73,046 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,375 total reads

 157,375 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,947 total reads

 193,947 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,222 total reads

 2,222 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top