Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapasara sa mga mapinsalang minahan, pinuri

SHARE THE TRUTH

 365 total views

Pinuri ng mga makakalikasang grupo at ng Simbahan ang naging desisyon ng Department of Environment and Natural Resources na ipasara ang mga minahang nagdulot ng matinding pinsala sa kalikasan, at nagpahirap sa komunidad na malapit dito.

Ayon kay Jaybee Garganera, National Coordinator ng grupo, malaking hakbang patungo sa pagbabago ang ipinamalas ni Environment Secretary Gina Lopez, dahil sa mahabang panahon na pakikipaglaban ng mamamayan para sa maayos at malinis na kapaligiran ay natugunan din ito ng pamahalaan.

“Yung mining audit palang kongkreto na yung hakbang at ngayon itong pagkansela at pagsuspinde ito ay patunay at magandang tuldok nga ito sa mining audit, patunay na napakinggan yung mga reklamo ng tao at mayroong tamang aksyon ang gobyerno.” pahayag ni Garganera sa Radyo Veritas.

Pinasalamatan din ng mamamayan ng Zambales ang DENR dahil sa pagpapasara nito sa mga kumpanya ng minahan sa kanilang lalawigan.

Ayon kay Ben Molino, pinuno ng Concerned Citizens of Sta. Cruz Zambales, mahabang panahon nang naghirap ang mamamayan ng Zambales, kaya naman laking pasasalamat nito dahil natugunan ng bagong administrasyon ang kanilang hinaing.

Umaasa si Molino na magpapatuloy ang mabubuting programa ng DENR at hindi ito magpapadaig sa mayayamang kumpanyang sumisira sa kalikasan at nagpapahirap sa mga Filipino.

“Ang mamamayan ng Zambales at Pangasinan ay nagpapasalamat sa desisyong ginawa ng butihing kalihim ng DENR. Matagal nang inaasahan ito ng mamamayan ng Sta. Cruz, Infanta at Candelaria at sa wakas pagkaraan ng ilang taong mahabang pakikibaka laban sa mga mapanirang pagmimina ay nakamit din ang matagal nang hinihintay na tagumpay ng taumbayan.” pahayag ni Molino sa Radyo Veritas.

Samantala, bagamat nagpapasalamat sa naging resulta ng mining audit, nais ni Fr. Niño Garcia, Parish Priest ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Manicani Island ng kongkretong kasulatan na nagsasaad ng pagpapasara sa minahan sa kanilang isla.

Sa pamamagitan nito ayon sa pari ay mas mapapanatag ang kanilang kalooban at tunay ngang mawawala na ang banta ng mina sa kanilang lugar.

“Una, isang malaking pasasalamat ang gusto naming ipaabot sa ating Pangulong Rodrigo Duterte at kay Secretary Gina Lopez…Pangalawa, gusto sana naming mabigyan din kami ng kopya… We are still waiting for a hard copy ng closure ng mining sites para talagang magbunyi kaming lahat at sabihin namin na talagang wala na, totally stop na ang mina dito sa amin sa Eastern Samar.” bahagi ng pahayag ng Pari sa Radyo Veritas.

Mula sa kabuuang bilang na 41 metallic mines sa Pilipinas, 23 kumpanya ng minahan ang ipasasara ng DENR na mula sa mga lalawigan ng Benguet, Bulacan, Zambales, Homonhon, Dinagat Island, at Surigao Del Norte.

Read: http://www.veritas846.ph/21-minahan-ipapasara-ng-denr/

Una na ring binigyang diin ng kanyang kabanalan Francisco sa encyclical na Laudato Si ang mariing pagtutol nito sa mapanirang industriya ng pagmimina na lalong nagbibigay ng pasakit sa mga mahihirap.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 8,794 total views

 8,794 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 38,875 total views

 38,875 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 52,934 total views

 52,934 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 71,437 total views

 71,437 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 169,784 total views

 169,784 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 113,630 total views

 113,630 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
1234567