Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapatuloy ng ICC probe, isang hakbang sa pagkamit ng katarungan ng mga biktima ng EJK

SHARE THE TRUTH

 2,234 total views

Ikinagalak ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na nagsasantabi sa apela ng gobyerno ng Pilipinas na itigil ang pag-iimbestiga sa marahas na war on drugs sa bansa.

Ayon kay Fr. Flaviano Villanueva, SVD–founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center, ang pasya ng international court ay isang hakbang tungo sa pagkamit ng katarungan sa mga biktima na war on drugs sa Pilipinas.

Pagbabahagi pa ng Pari, ang desisyon ng hukuman ay naghahatid din ng pag-asa sa may 300 kasapi ng Program Paghilom ng Arnold Janssen Kalinga Foundation at makamit ang katarungan ng kanilang mahal sa buhay na biktima ng extra-judicial killings (EJKs).

“For us in Program Paglihom with its 304 members, this decision is already like the initial trickling of the balm of justice that will soothe the scarred hearts of the men, women, and children who have lost their loved ones in extra-judicial killings (EJKs).” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Villanueva.

Tiniyak namang ng pari ang patuloy na pagsusumikap ng institusyon na gabayan at tulungan ang mga naulilang mga biktima ng marahas na war on drugs sa nakalipas na administrasyong Duterte sa pamamagitan ng Program Paghilom.

“For the past 6 years, Program Paghilom has never ceased to provide dignified, systematic, and holistic care to EJK orphans and widows. Now that the wheels of justice are turning, we are committed more than ever to the mission of recreating and empowering the lives of the EJK victims.” ayon sa pari.

Taong 2016 nang sinimulan ni Fr. Villanueva ang ‘Program Paghilom’ upang makatulong at sumuporta sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi sa war on drugs.

Sa tala ng pamahalaan aabot sa 6,200 ang nasawi sa police operations na taliwas sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na aabot ng halos 9,000 katao habang may 20000 hanggang 30-libo naman ang listahan ng mga human rights groups sa bansa ang napatay sa kampanya laban sa illegal na droga.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 41,744 total views

 41,744 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 71,825 total views

 71,825 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 85,846 total views

 85,846 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 104,161 total views

 104,161 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567