Environmental Advocates, dismayado sa SONA ng Pangulo; Nagbabala sa pagsulong ng pagmimina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,993 total reads

Dismayado ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa mababaw at limitadong pagtugon sa mga usaping pangkalikasan, lalo na sa pagmimina at krisis sa klima.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, bagama’t binanggit ng pangulo ang pagpapasigla ng pamumuhunan sa critical minerals o mga mineral na mahalaga sa clean energy transition at makabagong teknolohiya, wala pa ring malinaw na plano upang maiwasan ang pinsala nito sa kalikasan, kabuhayan, at karapatan ng mga pamayanan at katutubo.

“Deeply disappointed that the environment was not comprehensively covered. Mining was mentioned in the context of asking for more investments in critical minerals, which means more mining projects and more aggressive promotion of mining,” pahayag ni Garganera sa panayam ng Radyo Veritas.

Binatikos din ng ATM ang patuloy na pagsusulong ng pamahalaan sa mga mapaminsalang extractive projects, kahit pa malinaw ang kaugnayan ng malawakang pagmimina sa deforestation, polusyon sa tubig, pagguho ng lupa, pagbaha, at paglala ng climate change.

Iginiit ni Garganera na binibigyang-insentibo pa ng pamahalaan ang mga malalaking kumpanya ng pagmimina sa halip na suriin at pigilan ang operasyon nito.

“Hindi sapat na ‘merong tugon’ ang gobyerno sa panahon ng kalamidad. Dapat may strategic na plano at adjustments sa governance and policies para maiwasan at hindi na maulit ang mga mapait na aral na dala ng mga kalamidad everytime may super typhoons at habagat season,” dagdag pa ni Garganera.

Nanawagan ang ATM sa administrasyon at sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na unahin ang pangangalaga sa kagubatan at likas-yaman upang mapababa ang epekto ng landslide, flash floods, at coastal erosion dulot ng pagmimina at quarrying.

Batay sa tala ng DENR-Mines and Geosciences Bureau noong 2024, may humigit-kumulang 50 minahan na kasalukuyang nagpapatakbo, na may higit ₱102 bilyong kontribusyon sa gross domestic product ng bansa.

Gayunman, iginiit ng ATM na maliit lamang ang ambag nito kumpara sa labis na pinsala sa kapaligiran at pamayanan.

“This government clearly has low regard for environment and climate change issues,” giit ni Garganera.

Sa Laudato Si’, inihayag ng yumaong Papa Francisco ang mariing pagtutol hinggil sa industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at paghihirap sa kalikasan at mga apektadong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 59,699 total reads

 59,699 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 97,819 total reads

 97,819 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 131,947 total reads

 131,947 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 188,353 total reads

 188,353 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 179,197 total reads

 179,197 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top