Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapatupad ng environmental code sa Verde Island Passage, panawagan ng Caritas PH

SHARE THE TRUTH

 3,402 total views

Higit-400 indibidwal ang nakibahagi sa pagbibisikleta at paglalakad para sa kalikasan na magkatuwang na pinangasiwaan ng Caritas Philippines at Arkidiyosesis ng Lipa sa Batangas.

Ayon kay Caritas PH President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, layunin ng 2nd Caritas Bike for Kalikasan na paigtingin ang kamalayan ng mamamayan tungo sa pangangalaga ng kalikasan lalo’t higit sa Verde Island Passage (VIP).

Nanganganib ang VIP mula sa malalaking proyekto tulad ng planong pagtatayo ng fossil gas o liquified natural gas powerplant na posibleng puminsala hindi lamang sa mga iniingatang yamang-dagat kun’di maging sa kabuhayan ng mga nasa coastal communities.

“Sana huwag nang dagdagan pa ng marami pang mga planta lalong lalo na itong mga fossilized fuels. Pangalawa ay panawagan din natin na ‘yung mga nandito na ngayon along the coast of the Verde Island Passage ay mag-implement at mag-observe ng proper environmental code… Kasi ang Verde Island Passage ‘yan ang one of the most recognized center all over the world ng marine life biodiversity. Very importante ‘yang Verde Island Passage, gusto nating protektahan ‘yan,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

Pinangunahan ni Bishop Bagaforo ang 28-kilometrong bike caravan mula Montemaria Pilgrimage Center sa Ilijan, Batangas City patungo sa Lagadlarin Mangrove Forest Park sa Lobo, Batangas.

Kasabay naman nito’y pinangunahan ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera ang banal na Misa sa Saint Michael Archangel Parish sa Lobo, Batangas at sinundan ng Walk for Creation/Walk for Verde Island Passage patungo sa Lagadlarin Mangrove Forest Park.

Hamon ni Archbishop Garcera na sa pagtatapos ng Season of Creation, ang bawat isa ay magkaroon ng konsensiya upang higit na maunawaan ang mga nangyayaring krisis sa kapaligiran.

Paliwanag ng arsobispo na mahalaga ito upang mabatid na ang tao ay tagapangalaga o katiwala lamang ng sangnilikha, at walang karapatang sirain ang mga likas na yaman para sa pansariling kapakinabangan.

“We are the stewards. Kung kaya’t sa ebanghelyo, tayo ay alipin ng Diyos. We are workers na dapat ngayon, disturbed na tayo sapagkat sinasabi ni Pope Francis ayon sa research, ang limit o init ng mundo ay umiinit pa na there is no turning back. Ibig sabihin, darating ang panahon, hindi na natin kaya sa ating kakayanan as human beings na ayusin o pahalagahan pa o i-maintain pa ang tinatawag nating mother earth. Kung kaya’t there is no turning back,” pahayag ni Archbishop Garcera.

Samantala, bilang pagtatapos ng gawain ay isinagawa ng mga nakibahagi ang pagtatanim ng 500 mangrove seedlings at coastal clean-up drive.

Ang Verde Island Passage ang itinuturing na ‘center of the center of marine shorefish biodiversity’ sa buong mundo kaya lubos na lamang ang pagsisikap ng mamamayan ng Batangas at iba pang karatig na lalawigan upang mapangalagaan ito laban sa tuluyang pagkasira.

Katuwang naman ng Caritas Philippines sa inisyatibo ang Catholic Relief Services (CRS) Philippines, Lipa Archdiocesan Ministry on Environment (AMEn), at Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC).

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 18,423 total views

 18,423 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 26,523 total views

 26,523 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 44,490 total views

 44,490 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 73,651 total views

 73,651 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 94,228 total views

 94,228 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,471 total views

 8,471 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,758 total views

 9,758 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,161 total views

 15,161 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 17,145 total views

 17,145 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top