Pagpaslang sa isang abogado, kinundena ni Bishop Mesiona

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,875 total views

Mariing kinondena ni Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona, ang marahas at hindi makatarungang pagpaslang kay Attorney Joshua Lavega Abrina.

Ayon kay Bishop Mesiona, ang krimeng ito ay hindi lamang malungkot na pagkawala para sa pamilya at mga kaibigan ng abogado, kundi malinaw ding paglabag sa karapatan ng taong mabuhay.

“In a society where every individual should feel safe and secure, the reckless taking of another person’s life is entirely unacceptable,” pahayag ni Bishop Mesiona.

Si Abrina, na nagsilbing legal officer ng Department of Education Palawan at Philippine Ports Authority Palawan, ang ikawalong abogado na pinaslang mula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022, batay sa tala ng National Union of Peoples’ Lawyer.

Ayon sa ulat ng pulisya, kagagaling lamang ng biktima mula sa isang prayer meeting kasama ang kanyang pamilya nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa tapat ng kanilang tahanan sa Barangay San Jose, Puerto Princesa, dakong alas-8:15 ng gabi noong September 17, 2025.

Naisugod pa sa hospital si Abrina ngunit idineklara ring dead on arrival.

Umaasa naman si Bishop Mesiona na gagamitin nang lubos ang kapangyarihang ng batas upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.

“The pursuit of justice must be unwavering, ensuring that those who commit such violent crimes are held accountable and face the consequences of their actions,” dagdag ni Bishop Mesiona.

Samantala, nagpahayag din ng pagkondena ang Integrated Bar of the Philippines (IBP), partikular ang IBP Palawan Chapter, na nangakong hindi titigil hangga’t hindi natitiyak ang katarungan para kay Abrina.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 110,176 total views

 110,176 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 234,587 total views

 234,587 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 274,708 total views

 274,708 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 348,556 total views

 348,556 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top