Pagpaslang sa pari ng Diocese of San Jose, kinondena

SHARE THE TRUTH

 102 total views

Kinondena ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija ang pagpatay sa isa sa kanilang pari na si Father Marcelito ‘Tito’ Paez na kilalang nagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa at magsasaka.

“Kami ang kaparian ng Diyosesis ng San Jose, Nueva Ecija, kaisa ng mahal na Obispo, ay mariin na kinukundena ang hindi makatarungan at marahas na pagpaslang kay Fr. Tito Paez,” pahayag ng Diocese ng San Jose.

Sa ulat, pinagbabaril si Father Paez ng hindi pa nakikilalang mga salarin na sakay ng motorsiklo habang ito ay nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija alas-8 ng gabi, December 4.

Naisugod pa sa San Leonardo Hospital ang pari bagama’t nasawi rin habang nilalapatan ng lunas dahil sa tinamong tama ng bala.

Nanawagan ang Diocese of San Jose sa mga kinauukulan na bigyang linaw at katarungan ang pagkamatay ni Father Paez.

“Kami ay nanawagan sa mga kinauukulan sa pamahalaan na bigyang linaw ang kaniyang kamatayan. Kami din ay nanawagan sa lahat ng mananampalataya na ipanalangin na magkaroon ng katarungan ang kaniyang pagkamatay at kapayapaan ng kaniyang kaluluwa,” pahayag ng Diyosesis na nilagdaan ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari.

Sa panayam ng Radio Veritas, itinuturing ni Bishop Mallari na malaking hamon ang marahas na pagkakapaslang kay Father Paez.

Ayon sa Obispo, kabilang sa misyong ginagampanan bilang pari ang maglingkod sa sambayanan ng Diyos na handang mag-alay ng sariling buhay lalo na sa Pilipinas kung saan ang mga kaparian ay patuloy na naninindigan sa katotohanan, sa pagkamit ng hustisya at naging boses sa mga taong maliliit sa lipunan.

“The challenge, yun bang, this is really our calling, yun bang to really serve the people up to the point offering one’s life. Medyo, it’s challenging. I think this is also a challenge for us priests, yun bang especially dito sa Pilipinas yung the readiness to stand for the truth, to stand for justice, to stand for the good of our people, especially those who have no voice.” Paglilinaw ni Bishop Mallari sa Radyo Veritas

Si Fr. Paez ay 72 taong gulang at nagsilbing pari sa Diyosesis sa loob ng 32 taon.

Siya ay naging bahagi ng Social Action Center ng Diocese of San Jose at pinamunuan din ang tanggapan ng Justice and Peace.

Siya ay nagretiro taong 2015, bagama’t patuloy na naging aktibo at nakisangkot sa mga usaping panlipunan, lalu na sa pagsusulong ng karapatang pantao, magsasaka at mahihirap.

Nanawagan din ang Promotion of Church Peoples Response sa administrasyong Duterte para sa katarungan sa pagpatay kay Fr. Paez.

“We condemn in the strongest term such corwardly and brutal act against church people. He is publicly known as an advocate of human rights, peace and justice not only in his diocese but in the country. We call on all faithful to unite against evil forces that kills and spare no one. Let us strive with the people in their quest for peace and justice,” bahagi naman ng panawagan ng PCPR.

Si Fr. Paez ay miyembro rin ng Rural Missionariea of the Philippines at ng Promotion of Church Peoples Response (PCPR).

Huling natulungan ni Fr. Paez na makalaya ang isang political prisoner na nakulong sa Cabanatuan City Jail.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 31,905 total views

 31,905 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Pwedeng taumbayan naman?

 45,740 total views

 45,740 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 80,965 total views

 80,965 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »

Proteksyon para sa mga gig workers

 126,840 total views

 126,840 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »

Online work at kababaihan

 127,876 total views

 127,876 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 3,543 total views

 3,543 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 4,985 total views

 4,985 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 9,866 total views

 9,866 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 11,033 total views

 11,033 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 22,053 total views

 22,053 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 22,789 total views

 22,789 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Mananampalataya sa mga lugar na sede vacante, hinimok na magdasal at mag-ayuno

 24,551 total views

 24,551 total views Hinikayat ni Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe ang mga mananampalataya na manalangin at mag-ayuno para sa biyaya ng pagkakaroon ng obispong mangangasiwa sa mga diyosesis. Ito ang paanyaya ng obispo, lalo na sa mga lugar na walang obispo o sede vacante. “More Bishops will be retiring in a few years. Those in the Dioceses

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sede vacante sa Pilipinas, patuloy na nadadagdagan

 17,088 total views

 17,088 total views Umaabot na sa siyam na diyosesis sa Pilipinas ang sede vacante kasunod ng biglaang pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Lunas noong January 2. Bukod sa Pagadian, kabilang sa mga diyosesis na walang nangangasiwang obispo ang mga diyosesis ng Alaminos, Baguio, San Pablo, Balanga, Gumaca, Ipil, Tarlac, at Catarman. Ayon naman sa tala ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

TV news personality Jiggy Manicad, tagapagpahayag na ng mabuting balita ng Panginoon

 26,073 total views

 26,073 total views Mula sa pagiging tagapagbalita ay naging tagapagpahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon ang ngayo’y kilalang deboto ng Poong Hesus Nazareno-ang TV News personality na si Jiggy Manicad. Ayon kay Manicad sa panayam ng programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, nagsimula ang kaniyang debosyon taong 2006 matapos ang hindi makakalimutang news coverage na bagama’t

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Bishop Lunas ng Pagadian, pumanaw na

 26,773 total views

 26,773 total views Nagluluksa ang simbahang Katolika sa pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Ignacio Lunas. Sa ulat, pumanaw ang obispo Martes ng umaga (January 2) sa isang pagamutan sa Davao City kung saan naka-confine matapos sumailalim sa by-pass operation. Ang namayapang obispo ay ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Commission on Basic Ecclesial

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pastoral blessing sa hindi pagkaraniwang sitwasyon, suportado ng CBCP at Cardinal Advincula

 31,310 total views

 31,310 total views Isinapubliko na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang abiso na sumusuporta sa dokumento ng Vatican na nagpapahintulot sa pastoral blessing sa mga hindi pangkaraniwang sitwasyon tulad ng mga same sex couple. Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na malinaw ang mensahe ng dokumento kaugnay sa pananatili

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Stewardship, paiigtingin ng Vicariate of Taytay at Puerto Princesa

 35,357 total views

 35,357 total views Matapos ang paggunita at pagdiriwang ng ika-400 taon ng Kristiyanismo sa Palawan, pinaigting naman ng bikaryato ng Taytay at Puerto Princesa ang pagiging mabuting katiwala sa mga biyayang handog ng Panginoon. Simula Agosto ng 2022 hanggang 2023 ng ipagdiwang ng Vicariate of Puerto Princesa ang year-long celebration ng apat na dekada ng pananampalataya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Yolanda anniversary, itinalagang kapistahan ng Our Lady of Hope of Palo

 46,972 total views

 46,972 total views Kasabay ng paggunita sa ika-10 taon ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Visayas Region, itinalaga ni Palo Archbishop John Du ang petsa ng November 8 bilang taunang pagdiriwang o ang Feast of Our Lady of Hope of Palo. Layunin ng deklarasyon ang higit pang paigtingin ang debosyon sa Our Lady of Hope

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

‘Walang kaluluwang nanakot,”-exorcist priest

 39,411 total views

 39,411 total views Hindi kailanman nagdudulot ng pinsala ang mga kaluluwa sa mga nabubuhay pa sa daigdig. Ito ang binigyan diin ni Pasig exorcist Fr. Daniel Estacio. Sa programang Dalangin at Alaala 2023 ng Radio Veritas, sinabi ng pari na pinahihintulan ang pagpaparamdam ng mga kaluluwa sa purgatoryo para lamang humingi ng panalangin. Giit ng pari,

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pag-aalay ng pagkain sa mga patay, ‘Trick or Treat’ hindi nararapat

 38,942 total views

 38,942 total views Pakainin ang mga buhay at hindi ang mga patay! Ito ang tradisyon at pamahiin ng mga kristiyano na dapat nang iwaksi ayon kay Fr. Bobby Dela Cruz ng Archdiocese of Manila Office of Exorcism sa programang Dalangin at Alaala ng Radyo Veritas. Paliwanag ng pari, mas higit na kinakailangan ng mga kaluluwa sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top