Pagpreserba sa election transmission data ng May 2022 elections, sinuportahan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 876 total views

Nagpahayag ng suporta ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa inihaing Mandamus Petition sa Supreme Court upang matiyak na mapreserba ang election transmission data noong nakalipas na May 9, 2022 National and Local Elections.

Ayon kay Caritas Philppine National Director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, mahalaga ang naturang mga datos upang patuloy na matiyak ang kredibilidad ng nakalipas na halalan.

Ipinaliwanag ng Obispo na dapat ingatan partikular ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga election transmission data noong nakalipas na halalan na kinabibilanan ng mga transmission logs at transmission reports na pawang mahalagang ebidensya laban sa anumang duda kaugnay ng nakalipas na eleksyon.
“If there are still questions about the credibility of the political exercise, the COMELEC should be able to present evidence at once that would erase such doubt.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Layunin ng nasabing petisyon na isulong ang pagpapataw ng Korte Suprema ng temporary restraining order sa tatlong telecommunications service provider companies sa bansa upang matiyak na mapreserba ang mga election transmission data at magpasa ng transmission reports ang COMELEC sa Supreme Court kaugnay sa nakalipas na halalan.

Ipinapanalangin naman ni Bishop Bagaforo ang paninindigan ng Korte Suprema sa pagbibigay halaga sa constitutional right bilang botante ng mamamayang Pilipino.

“We pray that the Supreme Court, as the highest and last-resort judicial body, will take into consideration the constitutional right of the Filipino People to be assured that their right of suffrage is respected and that every single vote is counted,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Matatandaang inilunsad ng Caritas Philippines ang post-election accountability program nito na tinaguriang Simbayanihan na pagkakaisa ng Simbahan at ng bayan para sa ganap na pagbabago at kaunlaran ng lipunan.

Ang naturang programa ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay naglalayong isulong ang aktibong partisipasyon ng taumbayan sa usapin at sistema ng pamamahala sa bansa partikular na sa lokal na pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 87,392 total views

 87,392 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 87,392 total views

 87,392 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 87,392 total views

 87,392 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 84,745 total views

 84,745 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 77,387 total views

 77,387 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top